Chapter 5

381 9 0
                                    

Chapter 5

~Jade's POV

Three days after ng mabili namin ang bahay na 'to. Alam mo ba 'yong feeling na hindi ka pa rin makapaniwala sa natatamo ngayon. I could never forget to thank God for the everyday He gave to us. For my Mom and me. Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Napapalibutan ako ng God's presence which gives me strength day by day. Kulay beige ang kwarto na nagpaparelax naman sa pakiramdam ko. 

        Umayos naman ako ng pagkakaupo ko at tumanaw sa bintana ko. Nung araw na binili namin ang bahay na 'to, nakita ko si Taylor. Wala akong idea kung taga dito ba siya sa subdivision na 'to pero kung ganun man edi okay. Kapag nakita ko siya, makakapagpasalamat na ako sa kanya.

        Habang nalilibang ako sa tanawin ay narinig ko ang mga boses ng lalaki na papalapit. Mas umayos ako ng pagkakaupo para mas makita ang naglalakihang boses na 'yun at nang unti unti ko na silang natatanaw ay una ko kaagad napansin sa kanila ay ang mga sinasakyan nilang skaterboards hanggat sa bumaling ang atensyon ko kay Taylor. Natulala na lang ako habang tinitingnan sila, akalain mo 'yun ginamit siya ni God to save me from those bad people. Kaybuti talaga ng Panginoon. I swear it.

        But instead of watching Taylor walks out from my eyes. Dali dali naman akong nagpalit ng damit at tuloy-tuloy na lumabas ng kwarto hanggang sa nagpaalam kay Mama na abala masyado sa pagluluto. Syempre gusto kong makausap si Taylor sa mga nangyari and syempre to thank him.

            Nang makalabas na rin naman ako ng bahay ay nakita ko naman agad sila Taylor pero ang napansin ko lang ay papasok na siya sa kalapit na bahay. Napakunot noo na lang din naman ako at napakamot ng ulo. Umalis na rin ang mga kabarkada nito. Mayamaya lamang ay napunta sa akin ang atensyon ni Taylor. Nagkatitigan pa kaming dalawa, at nakakailang minuto na kami hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin.

            Dahil sa kabaliwan ko, napakaway na lang din ako sa kanya then when I do it, he smiled. Ang gwapo niya lang. Mukha siyang seryosong type of guy na mala knight in shining armour lagi ang peg. Lumapit naman ako sa kanya at gayundin naman siya at lumabas ng bahay nila. I put my hairstrands in the back of my ear dahil humaharang na ito sa mukha ko sa hangin ng paligid. May pabebe effect pa.

            "Hi!" Malaking ngiti ko pa sa kanya. Napangisi naman siya sa akin. Ang gwapo niya, mas gwapo pa kay Alladin. Wala naman akong choices between them dahil I'm engage with God now at hindi matatapos 'yun.  "Dito ka pala nakatira?"

            "So as you?" Nabigla naman ako ng muli ko na naman marinig ang boses niya. Ang sarap pakinggan but then again, words of God is the best and powerful you may heard. "When?" Dagdag pa nito sa akin.

            Napatango naman ako ng mabagal sa kanya, "Ilang araw pa lang nakakalipas." Ngiti ko pa sa kanya. Unfortunately, I felt awkward. I bit my lower lips dahil wala akong masabi sa kanya, nakakahiya kasi nasa harap ko siya ngayon.

            "Could you join with me at the park?" He asked. Mabilis naman akong napatingin sa kanya at tango na lang din naman ang nabigay ko sa kanya. "Come." Aniya. Sumunod na lang din naman ako sa paglalakad sa kanya.

            Habang papunta kami ngayon sa park ay wala ni isa sa amin ang nagsasalita kundi nababalutan lang kami ng katahimikan. Hindi ko ba alam pero natahimik na lang din ako bigla ng kasama ko siya lalo na't niyaya pa niya ako. I never wondered na makikita kong may boyfriend ako sa panahon ngayon kasi ngayon I'm grateful and content of what love gave God to me.

            Nang makarating na kami sa park, na nakapaloob lang din sa subdivion. Malaki ang park at pansin-pansin naman ang iilang naglalaro at naglilibang dito na mismo sa subdivision nakatira.

When She Left HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon