Chapter 18

178 8 0
                                    

Chapter 18

~Jade's POV

Could I let myself set free from the pain?

            Kahit ayaw ko dinala pa rin ako ng mga paa ko sa kung saan dapat ako pupunta at hindi ko naman kayang pigilan dahil gustong-gusto ko rin makita si mama. Kung maayos na ba ang kondisyon niya o wala pa rin talagang pinagbago.

            Ang sabi ko dati kapag dumating na sa puntong hirap na hirap na ako tatapusin ko na ang buhay ko pero sa minu-minuto at oras oras na pag-iisip ko. Tama nga ang desisyon ko na manahimik na lamang sapagkat doon, makakasama ko pa si mama.

            Nang makarating ako sa hospital. Huminga ako ng malalim. Para akong sinisikmura sa gagawin ko pero nagpatuloy lamang ang paglalakad ko hanggat sa makatakapak sa elevator. Pinindot ko ang desired floor ni mama. Hinihintay na bumukas ang pinto. Pati ako, kinakabahan ako sa gagawin ko. Hindi naman dapat ako kinakabahan eh, natatakot lang ako sa magiging reaksyon nila Coleen at Taylor kapag nakita nila ako.

            Kung malalaman lang nila ang nangyari sa akin. Ang laking kasalanan 'yon. Lubos kong pinagsisisihan ang lahat. Kung bakit nangyari 'to. Sa simula naman alam kong sasaya ako sa buhay ko na alam kong pinagkaloob ng diyos sa atin at pagkaingitan pero oo, tao ako pero bakit pakiramdam ko lagi na lang akong nasasaktan.

            Oo normal 'yon. Kaso sobra na.

            Nang bumukas ang pinto ng elevator at tinahak ko na ang daan patungo sa kwarto ni mama. Parang bibigay na naman ako anumang oras dahil kapag nakikita ko si mama hindi ko kayang tiisin ang kaya nabubuhos ko lang lahat pero ngayon pinipilit ko na pinigilan, na huwag umiyak dahil ayoko na. Sawang sawa na ako.

            Nang malapitan ko ang pinto ay napasilip kaagad ako sa mala-bintana nito at natanaw ko kaagad ang loob nito. Napabuntong hininga na lang ako na makita kong nakahiga pa rin doon si mama at walang malay. Sabi ko na nga ba, wala nang saysay ang buhay ko dahil mukhang imposible na magising muli si mama.

            "Jade." Napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko at halos huminto ang oras ko ng magtama ang mata namin ni Taylor at doon ko rin nakita na nakatingin na sa akin si Coleen. Tumayo silang dalawa at bahagyang lalapit sa akin, "bumalik ka." Aniya.

            Napailing ako sa kanila, "Hindi niyo na ako kailangan." Saka ako tumakbo palayo sa kanila.

            Narinig ko pa ang pagtawag ni Coleen sa pangalan ko pero ni kahit tumingin ay hindi ko ginawa. Nang madaan ko ang hagdan patungong rooftop ng hospital ay doon na ako sumubok na magtago. Nang nasa rooftop na ako ay umihip sa paligid ang napakalakas na hangin kaya pati ang buhok ko ay nililipad sa sobrang lakas nito.

            Mabilis din ang kabog ng dibdib ko kumpara na parang hinahabol ko ng mga aso. Lumapit ako sa gilid ng rooftop at hinimas ang mga ito. Tumingin ako sa kalangitan. Maliwanag pero may badya ng pag-uulan.

            Ilang minute ang nakaraan, naisipan ko nang sumampa at tumayo.

            "Sukong-suko na ako, hindi ko na kaya. Lord, you can now take me." Aakmang tatalon na sana ako pero may boses na pumigil sa akin.

            "No, Jade!" boses ni Coleen.

            Dahan dahan naman akong napaharap sa kanya at umiiyak na siya ng tingnan ko. Kinakabahan pa rin ako sa kinatatayuan ko pero alam kong sa ibaba nito ang huling hantungan ko. Noon isa akong servant of God pero dahil hindi ko kayang labanan ang mga problemang dumating sa akin.

When She Left HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon