Simula

1.7K 35 5
                                    

 

Simula

Si Jayden Ann Riveras ay isang Servant of God. Hindi sa mga lalaki tumatakbo ang buhay niya, hindi sa mga lalaking nakapaligid sa kanya at gagawin siyang koleksyon. Hindi niya pinangarap na maging isang balahurang babae.

May mahal siyang lalaki. Hindi lang basta basta, Siya ang Panginoon. Ang Diyos nating lahat.

Maraming nagbago sa buhay niya nang simula niyang purihin at paglingkuran ang Panginoon. Mahalaga sa kanya ang pananampalataya sa Panginoon dahil ito ang nagbibigay lakas sa kanya.

Wala siyang ibang ginawa kundi paglingkuran ang Diyos. Hindi naman siya nagsasawa sa ginagawa niya dahil may magandang bagay naman ang darating sa kanya sa tamang panahon.

Ngunit dumating ang isang nagpasakit sa buhay niya.

Humingi siya nang tulong sa kanyang Panginoon.

Ginawa niya ang lahat para lang maging maayos ang lahat.

Pero hindi pala lahat ng bagay masosolusyunan.

Maraming desisyon ang nabago sa buhay niya. Minsan na siyang hindi na nagtiwala at hindi na naniwala, hindi nagtagal,

Lumayo siya sa pananampalataya sa kanyang Panginoon.

Hindi lang niya alam kung bakit sa lahat ng tulong na hiningi niya. Hindi niya nakuha? At ano nang mangyayari When She Left Him? When She Left God?

 

When She Left HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon