Chapter 13

209 6 0
                                    

Chapter 13

Nakatulala lamang ako na nakadungaw sa bintana ng kwarto ni mama. Wala na naman kasi akong magawa. Umuwi muli si Taylor sa bahay nila dahil tinawagan siya ng mama niya na magkakaroon daw sila ng reunion ng pamilya nila. Aayaw pa nga sana si Taylor pero dahil napilit ko siya ay pumayag na rin siya sa gusto ko dahil ayoko naman makasira sa family ni Taylor dahil lang lagi na siyang nandito.

            I just want him to be happy.

            Bumalik na lang ulit ako sa pagkakahiga ko sa couch at nagpahinga pero agad naman akong naantala nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Coleen. Ngiti agad ni Coleen ang bumungad sa akin kaya hindi ko rin nagawang hindi ngumiti kasi sabi niya mas maganda daw ngumiti kaysa lagging nakabusangot pero ano nga bang magagawa ko.

            Minsan mahirap talagang ngumiti kapag alam mong may masakit na kailangang itago.

            Napaupo tuloy ako bigla sa couch. Naka-floral dress si Coleen na bumabagay sa kanyang katawan. Maganda si Coleen at hindi ko maitatanggi 'yon.

            "Naparito ka?" tanong ko naman sa kanya.

            Napakunot noo naman siya sa naging tanong ko sa kanya, "Masama bang dalawin ang bestfriend ko dito at si tita?" then she giggles.

            Mabilis naman akong umiling sa kanya at naupo siya sa tabi ko. "Eh, bakit ka nga napapunta dito?" pagtatanong ko pa sa kanya.

            Nagkibit balikat naman siya sa akin, "Kasi alam kong kailangan mo ng kausap kaya dinala ako ng paa ko dito. See, wala si Taylor." Inikot niya ang paningin niya sa kwarto at muling binalik sa akin. "Jade, kung taong may tutulong sayo syempre ako 'yon. Bestfriend mo ako diba?"

            Natahimik na lang ako sa naging kadramahan niya. At dahan dahang napatango.

            "Teka lang may ibibigay nga pala ako sayo." Saka siya nag-abala na may kunin sa bag niya at mayamaya lamang ay may nilabas siyang bible. Laking kunot noo naman ang naging reaksyon ko ng ilabas niya 'yon. Kinuha niya ang kamay ko ay ikinulong niya sa mga palad ko ang isang bibliya.

            Nagtataka naman akong tiningnan siya pero ngiti lang ang nakukuha ko sa kanya.

            "Jade, you need this."

            "Eh Coleen, meron na ako nito sa bahay eh. Sayo na 'yan."

            Pero hindi niya pinansin ang sinabi ko, "Jade, hindi tinatanggihan ang bibliya. Para sayo 'to. Ingatan mo. Jade, wala man akong maitutulong na malaki para gumaling ang mama mo pero may kaya akong gawin para maligtas siya ni God."

            "Ano 'yon?" taka kong tanong sa kanya.

            Tinawanan niya lang ako, "Prayer, Jade. Kinalimutan mo ata 'yon." Iiling-iling pa niyang sabi sa akin. "Di bale, lagi ko naman kayong pinagdadasal ni tita. Sige na Jade, itabi mo na 'to." Pagtutukoy niya sa bible na hawak ko.

            Dahil sa napilitan ako sa pangungunsinti niya at tinanggap ko na rin naman ang bible na binigay niya at ilang saglit lang binigyan ko siya ng pagkain na dinala ni Taylor dito kagabi. Hindi pa naman panis ang mga ito kaya okay lang.

            "Gaano na ba kayo katagal dito Jade?" tanong ni Coleen.

            Napabuntong hininga naman ako sa tanong niya. Ilang araw, linggo na nga ba kami dito sa hospital? Kung iisipin mo sa bawat araw na lumilipas habang nandito kami sa loob ng hospital hindi mo namamalayan na masyado na palang malayo ang tinakbo ng araw kaya hindi ko namamalayan.

When She Left HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon