Chapter 9

754 7 0
                                    

Chapter 9

 

I'm exhausted. Hindi 'ko alam, nagising na lang ako na uhaw na uhaw kaya nataranta rin sa akin si Taylor sa pangyayari. Napaupo na lamang ako sa couch habang nanonood ng tv habang si Taylor ay pinapaypayan ako ng pamaypay. Hinawakan ko naman ang kamay niya at natigil siya sa pagpapaypay niya. Kinunutan naman niya ako ng noo at dahan dahan niyang inalis ang kamay ko sa kamay niya at muling pinagpatuloy ang pagpapaypay.

            "Okay na ako, Taylor... itigil mo na 'yan." Sabi 'ko sa kanya.

            Huminga ako ng malalim at ibang lamig ang pumasok sa katawan ko. Hindi 'ko maintindihan kung bakit ganoon 'yong panaginip ko. Mahimbing ang tulog ko pero akala mo binangungot ako. Nakita ko kasi si mama na naglalakad sa hallway ng hospital, as in pinapalibutan ng putting liwanag ang paligid.

            I tried to shout but she can't she hear. Hindi siya lumilingon sa akin. Tumatakbo ako palapit sa kanya pero parang hindi ako umaandar sa kinatatayuan ko bagkus parang mas lumalayo pa ako mismo kay mama. Naglalakad siya na parang hindi niya control ang sarili niya. Hangga't sa makita ko na lamang si mama na iaabot ang kanyang kamay sa isang nakaputing lalaki, hindi... hindi ako pwede magkamali. Si God 'yon. Pero bago lahat mangyari 'yon, bago ipatong ni mama ang kamay niya sa palad ni God, nagising ako na hingal na hingal.

            "Siguro kailangan mo talaga ng pahinga. Subukan mong umuwi muna sa bahay niyo." Sabi sa akin ni Taylor. Napailing naman kaagad ako sa desisyon niya dahil maiiwan na naman siya dito sa room ni mama, siya na naman ang magbabantay sa kwarto ni mama.

            "Hindi, Taylor. Walang magbabantay kay mama and even ikaw, alam kong pagod na pagod ka na rin. Pwede ka namang umuwi na muna tapos ako na lang magbabantay dito." Suhestyon ko naman sa kanya tutal, mama ko naman ang binabantayan ko dahil napakalaking utang na loob ko na ang ibinigay sa kanya. Iba't ibang klaseng tulong na ang binigay ni Taylor sa akin.

            Before he stops from what I've suggested, he caught my hand and hold it tightly. "No, Jade. Siguro, mag-stay na lang tayong dalawa dito para walang away diba?" taas kilay ko pang sabi sa kanya.

            He giggles, "Siguro nga." Saka niya ginulo ang buhok ko.

            Napangiti na lang ako sa ginawa niya at mayamaya lamang ay may pumasok na nurse at lumapit ito sa kama ni mama at may i-nin-ject ito sa dextrose ni mama. Nagtaka naman ako sa tinurok ng nurse kay mama kaya tumayo ako at lumapit sa nurse.

            "Ano pong nilagay niyo?" tanong ko sa nurse.

            Inayos nito ang injection na ginamit at mga gamot na nasa maliit na tray niya, "Vitamin mo po 'yon maam." Ngiti pa nitong sabi sa akin. "Babalik po ako mamaya dito para palitan po ang dextrose ng pasyente." Aniya.

            Napatango na lang din naman ako sa kanya at saka siya tuluyang lumabas ng room ni mama. Bumalik naman ako sa kinauupuan kong couch.

            "Want some?" may inabot sa akin si Taylor na choco chips na kinain ko rin naman. Nakakagutom ang tumambay dito sa hospital. Nakaka-immune na ang mga gamot na nalalanghap ko pero ayos lang din naman, for recovery rin naman ito ni mama. I hope, she will be healed. "Oo nga pala..." sabi nito habang may lamang chips ang bibig niya. "Nagustuhan mo daw ba 'yong binigay niya sayo?" ngiti pa ni Taylor.

            Ang rosary?

            Kinapa ko naman sa bulsa ko at nandito pa siya. Agad ko namang tinanguan si Taylor, "Oo naman! Mas natuwa pa ako kasi naka-engraved pa pala ang pangalan ko doon. Pakisabi, salamat." Ngiti ko pa sa kanya.

When She Left HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon