Chapter 10

557 9 1
                                        

Chapter 10

 

"Ma!" niyuyogyog ko na si mama pero no response pa rin sa kanya. Nailalabas ko na ang lahat ng luha ko dahil hindi ko alam kung ano na nangyayari kay mama. "Ma!"

            "Jade! Jade!" pinapakalma ako ni Taylor na hawak-hawak ang magkabilang braso ko pero hindi ako nagpapaawat sa akin. Hindi ko alam ang kalagayan ni mama at nangyayari ngayon.

            "Ma!" I shout at the top of my lungs. Ngarag na ngarag na ang boses ko. Hindi ko na alam kung may maiilalabas pa akong mga luha dahil hindi ko kaya.

            Mayamaya lamang ay nagsidatingan ang mga nurse at doctor sa kwarto. Pinatabi kaming dalawa ni Taylor pero nagmatigas ako dahil gusto ko silang tingnan habang kung anong medikasyon ang binibigay nila ngayon kay mama pero ang ginawa nila sa amin pinalabas kami mismo ng kwarto ni mama.

            "Mama ko 'yon! Bakit niyo po kami pinapalabas!" tugon sa nurse na mistulang tinataboy na kami. Pumipiglas ako sa pagkakahawak sa akin ni Taylor dahil hindi ako nakakapagpigil dahil kapag may nawala na namang mahalagang tao sa buhay ko hindi ko na alam kung saan ako mapupunta. Hindi ko alam kung magiging makahulugan pa ba ang paninirahan ko dito sa mundo.

            "Hindi po talaga. Pasensya na." Ani ng nurse saka tuluyang sinara ang pinto.

            Bumagsak ang mga baikat ko at hindi natigil ang paglabas ng mga luha ko. Napayakap na lamang ako sa mga bisig ni Taylor at sa kanyang dibdib, doon ko kinulong ang ulo ko at nag-iiyak. Hindi 'ko alam kung hanggang kailan ko ba mararamdaman ang sakit na 'to. Bakit ba kasi kailangan namin maramdaman ang sitwasyong ito.

            Sana ibang problema na lang binigay mo sa amin. Ayokong mawala si mama katulad ni papa.

            Hinahaplos-haplos naman ni Taylor ang ulo ko. Humihinga ako ng malalim pero parang nauuubusan ako ng tubig sa katawan at nahihirapan din huminga. Inalalayan ako ni Taylor na maupo sa gilid at inabutan niya ako ng bottled water at uminom ako at pinatahan niya ako. He wipes my tears.

            Tumayo ako at tiningnan lamang niya at na may kunot sa kanyang noo, "Saan ka pupunta?" hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako sa gagawin ko pero tiningnan ko siya saka niya binitawan ang kamay ko. "Sige... basta 'wag mong susubukang mawala sa mundong ito." Aniya.

            Napapikit na lamang ako sa sinabi niya.

            Tinungo ko naman ang putting hallway ng hospital at ilang lakad lamang ay narating ko na ang chapel ng hospital. Tiningnan ko lamang, nakatitig sa loob. Ang presensya ng panginoon nandoon sa loob. Sinusubukan kong maglakad papasok pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Hindi ko kaya. Napayuko na lamang ako at kinapa ang rosaryo na binigay ng mama ni Taylor.

            Heal my mom, God.

            I know that I didn't almost do what I've been doing in my previous life but it change how it goes when it comes out. Dati sinabi ko Sayo na babalik ako sa pananampalataya sayo kapag pinagaling mo ang mama ko at ginising mo siya sa mga yapos Mo at ngayon, muli kong hinihiling Sayo ang dalangin kong 'yon.

            I may not a perfect child but I know You are giving me the second the chance.

            My tears start to fall down. Ano ba 'tong nangyayari sa akin. God is a Doctor. How?

            Will I believe again? I shook my head. I can't.

            I snap out my emotion. I wipe my tears. I smirk and run away.

When She Left HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon