Chapter 19

213 8 1
                                    

Chapter 19

~Coleen's POV

I don't know what to feel right now. Jade is on her fifty fifty condition. I never stop praying for Jade's good condition. Hindi na ako natulog para malaman kong magigising lang siya between 24 hours but still, she did not waking up. Almost 22 hours na akong gising at hinihintay ang magiging pagbabago sa kondisyon ni Jade.

            I'm still waiting for the miracle of God. If God done it her mother alam kong kaya rin ni God na gawin 'yon kay Jade.

            "Jayden Ann Riveras, when will you wake up?" I cried. I softly touch her hand. Alam kong nararamdaman niya ang kamay ko. Alam kong babalik ka Jade, alam ko na hindi ma madaling sumuko. Nangyayari lang sayo 'to dahil masyado ng madaming gumugulo sa isip mo. Jade, I love you.

            Naramdaman ko naman ang kamay ni Taylor sa balikat ko. Tiningala ko naman siya at napansin ko naman sa mukha niya ang pagiging malungkot din. Napabuntong hininga na naman ako. Inabot na ako ng umaga. Walang tulog pero kinaya ko dahil mahal ko ang bestfriend ko. I can do all things through Christs and even with my family and friends.

            "Coleen, tara muna sa canteen. Kailangan mong kumain." Pagyaya sa akin ni Taylor.

            "Dito muna tayo, we still have 2 hours."

            Napailing naman sa akin si Taylor, "Coleen, saglit lang tayo kakain at kapag tapos ka na. Pwede mo nang bantayan ang bestfriend mo."

            "Yes, Coleen... kumain ka muna. Ako muna ang magbabantay sa anak ko." Napatingin naman ako kay Tita na bagong gising din.

            Magkasama sa iisang kwarto sina Jade at ang kanyang mama na nagiging maayos na ang kondisyon at iisipin mo na isang himala ang nangyari sa kanya dahil kapag may faith ka talaga kay God, lahat ng imposible kaya niyang gawin para sayo.

            "Sige po, tita."

            Tinanguan lamang ako ni tita at hinawakan ni Taylor ang balikat ko at naglakad na kami palabas ng kwarto.

            Jade, just two hours... I will wait.

~Jade's POV

I'm awake. I can see white lights and things around me. Nakakasilaw at hindi ko maiharap sa nagliliwanag ang paningin ko dahil nakakasilaw nga ang liwanag nito. Bumango ako. Magaan. Inikot ko ang ulo ko at nakita ko si mama na nakahiga sa kanyang kama at nakatingin sa akin. Hindi ko akalain na gising na siya.

            Napangiti na lang ako, "Mama..."

            Pero ang labis na ikipinagtaka ko ay hindi ako napansin ni mama. Nakatuon lamang ang paningin nito sa likod ko. Mabilis akong kinabahan sa nangyayari. Dahan dahan kong inikot ang ulo ko at doon ko lamang nakita ang katawan ko na nakahiga sa puting kama ng hospital. Mabilis akong humiga at bumalik sa katawan ko pero parang tumagos lamang ang sarili ko sa pisikal kong katawan at nasa ilalim na ako ng kama.

            Hindi maaaari. Patay na ba ako?

            Hinarap ko ang pisikal kong katawan na ang ibang parte ng katawan ko ay nakabenda. Wala akong naaalala kung anong nangyari sa akin. Ipaliwanag niyo! Naiiyak ako pero bakit wala akong nararamdaman na mainit na likidong dumadaloy sa mga pisngi ko. Ayoko pang mawala sa mundong ito.

            Alam kong marami akong nagawang mali sa buhay ko. Sinuway ko ang Diyos para lamang sa mga sarili kong kagustuhan. Nagmatigas ako sa sarili kong desisyon  at iniwan ang nararapat.

When She Left HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon