Chapter 3

509 12 1
                                    

Chapter 3

God's not Dead

 

I've always pray for a better future, for a better life but I know all of this happening, God is in our way to guide when we will pass this kind of situation. Nalulungkot lang ako dahil si Mama nagpapaka-hirap pa para maibenta ang mga basahan na kanyang naitahi, she'd done for more. Alam kong kailangan na ni Mama ng kaginhawaan niya sa buhay niya kahit ako naman gusto ko rin. Simula kasi ng mawala si Papa sa buhay namin, hindi naman namin ginusto na 'yung masaya naming pamumuhay dati bakit napalitan ng kalungkutan.

            Kaya ang iniisip ko na lang, nandiyan ang Diyos para bantayan kami ni Mama.

            "Anak! Aalis na ako!" sigaw ni Mama. Na siguro ay bitbit na niya ang bag na naglalaman ng limandaang basahan. Napabuntong hininga na lamang ako at hindi na sumagot. Dahan dahan naman akong naglakad patungo sa sala kung saan kakalabas niya lang ng pinto.

            Sinilip ko siya sa may bintana. Nakakailang buntong hininga na rin ba ako ngayon araw na 'to. Mamaya rin pala may youth camp na kami at kailangan ko ng mag-ayos dahil medyo may kalayuan ang lugar pero dito lang sa lugar namin. Bumalik ako sa kwarto ko para i-ayos ang mga damit na extra at syempre ang mahalaga sa akin, ang bibliya ko.

            Kahit man saan ako magpunta, dala dala ko siya. Ayokong naiiwan siya dahil kapag kasama ko siya parang kasama ko na rin ang Diyos. Napahapyaw ang tingin ko sa ticket lotto na tinayaan ko kagabi na hindi ko naman napanood ang result kaya wala akong alam kung may nanalo ba. Tinabi ko na lang din naman ito sa wallet ko baka sakaling maka-tsamba pa hindi ko lang alam. Binitbit ko na rin ang bag ko patungo ng sala. Nakalimutan palang ipatay ni Mama ang tv pero sakto ng papatayin ko na 'to.

            'ONE LOTTO WINNER!' Ang biglang nag-flash sa screen ng tv ko. Ang swerte naman niya kung ganun. Pinagpala siya ng Diyos. Pinatay ko na ang tv at dali dali kong tinanggal sa mga outlets ang saksakan ng electrical fuses. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng bahay, nag-iwan naman ko ng note sa tapat ng pinto.

            'Ma! Nasa youth camp po ako! Uuwi rin po ako kaagad! Ingat po!'

            Napangiti na lang ako at tuluyan ng sumakay ng trycicle patungo sa church.

            Pagkarating ko doon ay may mga coaster na nakahilira na mga youth din. Natanaw ko naman si Coleen na agad kong nilapitan. Nagtatakbo akong lumapit sa kanya dhail excited na ako sa mangyayaring youth camp namin. This is my first time na sumama sa ganito dahil hindi nga ako pinapayagan dati pero atleast napapayag ko si Mama.

            "Jade!" yakap nito sa akin.

            "Ang dami ng tao." Aniko ng iikot ang ulo sa paligid.

            "Oo! Tara na sa coaster natin! Baka mawalan pa tayo ng upuan!" hinigit naman ako ni Coleen patungo sa coaster number 1 kung saan doon kami sasakay. Sa may bandang gitna kami pum-westo ni Coleen para medyo senti daw ang dating. Natawa naman ako doon sa para 'senti' ang dating. Sa may tabi ako ng bintana at siya naman ay sa kaliwa ko.

            "Morning Jade!" nagulat naman ako sa biglang bulaga sa akin ni Ully na nasa harapan ko ngayon. Nasa front seat ko siya ngayon at nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin pero siya hindi umaalis sa pagkakatitig sa akin. "Hindi mo ba ako babatiin din?"

            Humarap naman ako sa kanya, "G-good morning." Ngiwi ko pa sa kanya saka ko binalik ang tingin ko sa bintana.

            "Your prettier than ever, Jade."

When She Left HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon