Chapter 4

410 8 0
                                    

Chapter 4

Blessed

 

I don't know what to do when Ully did that to me. Hindi na ako mapakali hanggat hindi ako nakakalayo sa kanya, hindi mo na kasi maiwasan na hindi mo siya iwasan dahil sa iniisip mo na baka maulit muli 'yung pagtatangka niya sa akin at mabuti na lang at nakalayo agad ako sa kanya bago niya pa maituloy 'yun sa akin atleast I know God is always here by my side to guide me always.

            Ngayon, pabalik na ako sa bahay. Sasamahan pa sana ako ni Coleen pero sabi ko wag na kasi malaking abala pa 'yun para sa kanya. Tumakas na lang din ako sa camp dahil baka kung ano pang isipin nila sa akin an bakit aalis ako pero nandito na ako. Ayoko lang talaga kasi makasama si Ully, kahit sa simula pa lamang ayoko na talaga.

            Malapit na rin naman ako sa bahay at tanaw ko naman na bukas ang pinto, siguro'y dumating na rin si Mama sa paglalako niya ng basahan na siya rin ang gumawa. Nagmadali naman akong pumasok sa loob ng bahay at nadatnan ko naman si Mama na busy sa kanyang ginagawa na paglilinis.

            "Oh!" nagulat si Mama nang makita ako. "Akala ko ba gagabihin ka?"

            I finding some words para maipaliwanag kay Mama 'yung hindi ako mabubuko. "Ma, cancelled na eh." Ngiting aso ko pa. "Nasa church lang ako kanina pa." ngiti ko pa at saka ako tumungo sa kwarto ko. Nang mailapag ko naman ang gamit ko ay napansin ko naman ang nakakalat sa sahig na lotto ticket na noong kagabi ko lamang tinaya. Hindi ko nga alam kung may nakuha akong number pero ayos lang kung wala.

            Tumuloy naman ako sa sala na dala dala ang ticket at pinatong ito sa katabi ng lamesa. Yung dapat na magsasaya ako with my churchmates ay nauwi sa ganong sitwasyon. Walang nakakaalam sa kanila, maliban si Coleen dahil siya ang una kong pinagsabihan at ang gagawin ko ay hindi na muna ako magsisimba para medyo mapagaan ko muna ang pakiramdam ko mula sa ginawa sa akin ni Ully.

            I never imagined that I've know people who would do that. Alam ko naman kasi sa simula pa lang, ang mga titig niya sa akin ibang iba eh. May pagnanasang kasama kaya doon ko siya sinimulang layuan hanggat sa ngayon, ayoko na talaga siyang makita.

            "Jade! Bumili ka ng toyo doon!" utos sa akin ni Mama. Inabot naman niya sa akin ang pambili ng toyo at para namang bigat na bigat ako sa pagtayo ko dahil pagod ako sa biyahe. Sino ba naman kasi pupunta at uuwi kaagad diba? Sinong hindi mapapagod, pero hindi ko na lang pinahalata kay Mama.

            Lumabas na ako nang bahay at tumungo sa nalapit na tindahan.

            Ang sabi ko hindi umiikot ang buhay ko sa mga lalaking nandiyan sa paligid, oo kung iisipin dahil kay God lamang nakaikot ang buhay ko pero alam naman natin na imposible para sa isang babae ang magkagusto diba? Ngayon, para akong baliw na ngingititi dahil naaalala ko na naman ang unang araw namin na pagkikita.

            "Hey... Jade?" halos mabato naman ako sa kinatatayuan ko sa tindahan nang marinig ko ang boses niya. Literal na nanlaki ang mata ko at namintig ang tenga ko dahil sa boses niya. Wala naman akong kinukwentong lalaki na gusto ko pero ngayon, siya ang gusto kong ikwento sa inyo. Maginoo at hindi bastos na tao, tutal ang galang galang niya nga. Ang bait pa, bonus pa ang kagwapuhan at kakisigan niya.

            Mahinhin naman akong humarap sa kanya at hinawi ang buhok na tumatakip sa mukha ko. "Oh! Alladin!" bungad ko sa kanya. Malapad ang kanyang ngiti na dahilan upang lumabas ang magkabilaang dimples niya sa pisngi.

            "Kumusta ka?" aniya.

            "Okay lang naman, ikaw?" kahit ang umaga ko hindi okay, Alladin. Pero nakausap naman kita kaya kahit papaano ay nabawasan ang pangamba ko.

When She Left HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon