Chapter 15
~Coleen's POV
Hindi 'ko na alam kung anong tumatakbo sa utak ni Jade. Noong una naman ay hindi siya ganyan pero bakit parang araw araw mas lalo siyang lumalayo sa kung anong nakakilanlan ko sa kanya. She didn't believe to God at this moment, she left God with her own decisions. Gusto ko man siyang tulungan sa pagbabalik loob niya kay God pero nagmamatigas siya at gusto niyang nasusunod lang ang gusto niya.
Ngayon na kasama ko si Taylor sa pagbabantay sa mama ni Jade na almost three days na rin ako dito dahil wala nga si Jade. Umalis ng walang pasabi kung saan pupunta at babalik lang daw siya kapag gusto niya. Hindi ko na nakikita sa kanya 'yong Jayden Ann Riveras na bestfriend ko dati dahil sa ngayon marami talagang nagbago kay Jade, i-set aside mo na 'yong physical outlook niya ngayon ang nakakapanibago lang talaga ay 'yong pag-alis niya ng tiwala sa Diyos na kayang gawin ang lahat.
Sumuko na ba talaga si Jade?
Kasi kami hindi, para sa kanya nandito kami. Hindi namin siya iniiiwan. Alam kong sobrang nahihirapan na siya. See her conditions. At ang malala pa doon ay 'yong nasunog ang bahay nila. Ang dream house nilang mag-ina. Hindi ko nga alam kung anong magagawa ko noong mga araw na 'yon ng malaman kong naging abo na ang bahay na kanilang pinangarap.
At mabuti na lamang ay nakulong si Alladin sa kaniyang ginawa. Wala akong ideya na kaya niyang gawin ang isang 'yon. Hindi mo alam kung mapagkakatiwalaan mo pa ba ang mga taong nasa paligid mo lalo na't hindi mo naman masyadong nakakasalamuha. Hindi natin alam kung anong puntirya ng mata at iniisip nila. But only God knows where they belong.
Only God.
I sighed, "Taylor, sa tingin mo bakit ginagawa ni Jade na magpakalayo-layo? I don't get the point of her." Nalilito kong tanong kay Taylor.
Taylor just shrugged, "Hindi ko alam, Coleen. Pero isa siguro sa reason niya ay 'yong makapag set-free muna ng iisipin. Like, hindi niya inaaalala ang mga ito."
Napakunot noo na lamang ako sa sinabi ni Taylor. Parang mali naman na tatalikuran ni Jade ang responsibilidad niya dito but I know she had to do something at kapag sana bumalik na siya ay kaya na niyang tanggapin kung anong kalagayan ang meron sila. At kaya niya na muling tanggapin si God as her savior. Kasi wala naman ibang makakatulong except the doctors is God.
God is also a doctor. He is a healer. I know He can heal Jade's mom.
"Alam mo, Taylor, hindi naman ganyan si Jade dati. Masayahin siya, saka she used to prays to God. Kaya noong mga nakalipas na araw ang laking pagbabago talaga ang nakita k okay Jade. Hindi ko ma-take pero kailangan mong tanggapin dahil nasa ganitong sitwasyon nga siya. Jade is Jade pero alam kong kaya niyang tanggapin 'to."
I took a deep sighed.
"Yeah, I first met her no'ng isang gabi na mapadaan siya sa isang madilim na kalye tapos nilapitan siya ng ilang lalaki dahil mukhang babastusin siya. So, tinulungan ko siya tapos hindi pa ulit natapos 'yon dahil nagkita muli kami sa sementeryo no'n."
"Anong ginagawa mo sa sementeryo?"
"Binisita ko lang 'yong lolo ko." Napangiti naman ako, siguro close sila ng lolo niya. "Tapos no'ng pauwi na ako, nakita ko na naman siyang nilapitan ng isang lasing na lalaki. I saved her tapos 'yon nagkakilala na kami." He laughed, "the funnt thing is, we met for some reasons na lagi siyang nilalapitan ng mga lalaking lasing." He smirk.
BINABASA MO ANG
When She Left Him
SpiritualeLahat tayo ay binigyan nang pagmamahal at pananampalataya sa ating Panginoon. Siya ang ating Tagapagligtas, Makapangyarihan at higit sa lahat ang nagbigay nang buhay sa atin. Kilalanin si Jayden Ann Riveras na isang Servant of God na buong pusong...