Chapter 8
The life is so unfair. Kung pwede ako na lang ang nasa kalagayan ni mama at ako ang nahihirapan. I can't take this. To see her lying in a white bed—with a dextrose in her hands that gave her medicines and such. How could I take this, because I loved her. She's my life.
I won't leave her.
"Jade... Jade..." I slowly open my eyes. Malabo ngunit ng nagtagal ay nasilayan ko na ang mukha ni Taylor sa harapan ko. "Kumain ka na." Aniya.
Napaayos naman ako sa kinahihigaan ko sa couch at hinawi ang buhok ko at pinusod ko. Siya naman ay may pinatong na paper bag sa tabi ng kama ni mama. Tiningnan ko naman ang phone ko at walang message at malapit na rin mawalan ng battery.
"Kakarating mo lang ba?" tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya sa akin habang may kinukuha sa loob ng paperbag at plato. Mayamaya lang ay nilabas niya ang isang Tupperware na sa tingin ko ay may lamang pasta. Nang buksan niya ang takip ay umalibadbad agad sa ilong ko ang bango ng kanyang pagkain.
"Kumain ka ha?" aniya. At saka siya bumaling sa akin at inabot ang plato na pinaglagyan niya ng pasta carbonarra. "Luto 'yan ng mama ko. Sabi niya kasi na kailangan mo daw makakain upang lumakas-lakas ka daw at ayan pinagluto ka niya at ang mama mo."
Napangiwi naman ako sa sinabi niya, "Salamat." Buntong hininga ko pa sa kanya, "pero hindi matitikman ni mama 'to." Parang nawalan ako ng gana kumain pero hindi ko na lamang pinapansin sa kanya 'yon kundi kahit kakaunti man lang ay kinakain ko na ang pasta na kanyang binigay.
"Oo nga pala!" napatingin naman ako sa kanya sa biglang pagsasalita niya. Tumayo siya at may kinuha sa kaliwang bulsa niya at naupo muna sa tabi ko. "Akin na kamay mo." Utos nito. Nakakunot lamang ang noo ko sa kanya kasi hindi ko alam kung anong gagawin niya kaya siya na ang gumawa at kinuha ang kamay ko. Nilahad ko na rin naman ng buo ang kamay ko ay mayamaya lamang ay may nilagay siya sa kamay ko at nang maramdaman ko 'yon ay di ko lubos maisip kung ano 'yon at nang ikubli niya ang kamay ko at isinara. Hindi nawala ang kunot noo kong tingin sa kanya na may halo ng pagtataka, "Keep this, sabi kasi ni mama mas lalong lalakas ang faith mo kapag meron ka nito."
"Huh?" usal ko.
Pero ngiti na lang din ang nakita ko sa kanya. Napakibit balikat naman ako sa kanya at unti unti ko namang binuklat ang kamay ko at nakita ko ang rosaryo sa kamay ko. Napatingin ako kay Taylor ng makita ko ang binigay niya sa akin.
"Para saan 'to?" taka kong tanong sa kanya.
He shrugged, "Mom said I'll just gave it to you." Tinitigan ko naman ang rosaryo. Silver ang kulay niya at ang ikinabigla ko lamang ay makita kong may naka-engrave na pangalan ko na Jayden sa rosaryo. Maliit lamang siya pero ito agad ang unang napansin ng mga mata ko. "Akin na isuot ko sayo." Pagpepresenta ni Taylor.
Agad naman akong tumanggi, "Hindi! Okay lang!" ngiwi ko pa sa kanya.
Napatango na lang din naman siya sa akin at nginitian ako. Bumalik naman siya sa paperbag at nagsandok din ng kanyang pasta. Sinimulan ko na rin namang ubusin ang akin. Kahit ngayon hindi ko pa rin kayang tagalan na makita si mama sa kanyang kinahihigaan. Isang buwan na siya nanidyan at hindi pa nagigising pero ang mabuti lang ay nasa maayos na siya, hinihintay lamang ang pagdilat niya.
Ang sinabi rin ng mga doctor, kapag lumala daw ang sakit ni mama maaari daw maghanap na ng heart donor para sa gagawing heart transplant.

BINABASA MO ANG
When She Left Him
SpiritualLahat tayo ay binigyan nang pagmamahal at pananampalataya sa ating Panginoon. Siya ang ating Tagapagligtas, Makapangyarihan at higit sa lahat ang nagbigay nang buhay sa atin. Kilalanin si Jayden Ann Riveras na isang Servant of God na buong pusong...