Chapter 2

730 14 2
                                    

Chapter 2

I Can Only Imagine

 

I heard Mom's shout as if again. Naiwan na naman ako mag-isa dito sa bahay at wala naman akong magawa dahil hindi pa naman ako nag-aara because I stop pero syempre if may chance na makapag-aral ulit ako, go lang ako. Umalis si Mama para pumunta sa trabaho niya na magtahi nang basahan na nilalako naman sa mga kalye kalye, oo maliit lang ang kinikita doon ni Mama dahil sa pagtatahi but then nagti-tiyaga si Mama para lang mataguyod niya kami.

            Well, plano ko rin kasing pumunta ngayon sa sementeryo upang dalawin ang puntod ni Papa doon. Alam mo 'yung feeling na miss na miss mo na siya tapos ngayon wala kang magawa kundi balik balikan na lang ang mga alaala na nagawa namin. But if my biological father died, but there is a father now I can hold on too.

            Bago ako umalis ay naglinis muna ako nang bahay kundi kasi pag-uwi na naman ni Mama ay hindi na naman niya ako titigilan sa sermon niya na minsan ay tumatagal ng isang oras kesyo hindi daw ako naglinis, naghugas ng pinggan at kung ano ano pa. Sinimulan ko na rin naman at ilang saglit lang na malinis ko ang bahay, dahil walis walis lang din naman ang ginawa ko at konting pagpag ay natapos na rin ako.

            My phone beep once so I checked it out kung sino ba ang natawag and I see, Coleen's name saka ko naman ito sinagot.

            "Hello! Coleen!" bungad agad nito sa akin sa kabilang linya.

            "Grabe ka naman! Parang hindi malapit sa tenga ko ang phone 'no? Makasigaw!" natawa rin naman ako at gaya niya ay humalakhak naman sa kabilang linya. "Bakit ka ba napatawag?" tanong ko naman sa kanya.

            "Sabi kasi ng head ng Youth natin, mag-ikot daw tayo ng mga magiging attendies for the Youth Camp!" aniya.

            Napatango naman ako kahit hindi niya nakikita, "Sure! Anong oras ba?" Tanong ko sa kanya.

            "Now na!" sigaw pa nito.

            "As in?"

            "Oo! Nasa labas na kaya ako ng bahay mo! Halur?!" At nang lingunin ko naman sa labas ng bahay ay hindi nga siya nagbibiro kundi nandun nga siya at nang makita niya ako ay binaba niya ang phone niya at kumaway sa akin. "Dalian mo girl!" sigaw nito.

            Nag-sign naman ako na saglit lang. Nagbihis naman ako panadalian dahil nakaligo na rin naman ako kanina. Nang makapagpalit na ako ay lumabas na rin naman ako at nag-iwan na lang ng note sa pinto na umalis ako kung maagang dumating si Mama.

            "Magtatagal ba tayo?" Tanong ko naman sa kanya.

            "Bakit, wala pa nga eh." Irap pa nito sa akin.

            "May pupuntahan kasi ako, alam mo na." ngumiti ako. And she know's what I mean. Diba nga pupunta ako ng sementeryo para dalawin si Papa doon at pagsindihan muli ng kandila. Malapit na rin ang death anniversary niya pero kapag kinakausap ko si Mama tungkol doon, hayaan na lang daw kasi wala na naman daw mangyayari pero kasi diba, Papa ko 'yun. Syempre malambot din naman ang puso ni Mama kaya bibigay din'yun.

            "Sige, kasama naman natin si Ully. So no worries." Ngiti niya pa sa akin.

            "Bakit siya pa?" Hindi naman sa iritado ako sa kanya pero kasi talaga hindi lang talaga ako komportable tuwing kasama si Ullyses kasi alam ko naman na may pagtingin siya sa akin at hindi ko naman fini-feeling na porque may crush sa akin 'yung tao taken for granted na agad ako. No, ang akin lang. There's a people who were meant for us, siguro hindi ako ang para sa kanya.

When She Left HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon