21

33 22 31
                                    

Hindi ako makatulog dahil sa nangyaring pagkikita namin kanina. Inaalis ko sa isip ko pero bumabalik. Kaya nagpunta ako sa kwarto ni ate.

"Ate.." Kumatok ako at hindi na hinintay ang sagot niya dahil pumasok na 'ko. Naabutan ko siyang nagla-laptop doon.

"Ano 'yung iniisip mo?" Tanong niya kaagad. She knows me too well, alam niya kaagad kapag nagpupunta ako sa kwarto niya.

"Nagpababa ako sa'yo sa park kanina 'di ba?"

"Hmm, tapos?" Aniya. Pinaglalaro ko ang mga kamay ko habang nakayuko.

"Naroon si Grant ate.. Nagkita kami kanina. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng pwede kong makita roon, siya pa. Sakto ate, saktong anniversary sana namin ngayon." Parang nagsusumbong na saad ko.

"Naguguluhan ka? Nalito ka ba bigla sa nararamdaman mo kay Javis nung nagkita ulit kayo?" Doon pa lang sa tanong ni ate ay masasabi kong alam niya na rin ang sagot. Yumuko na lang ulit ako at malalim na bumuntong hininga.

"Hindi ka maguguluhan kung wala ka nang nararamdaman sa una. Hindi ko sinasabing mamili ka pero pag-isipan mo ng mabuti, Frances. Mahal na mahal ka ni Leigh. Maging ako ay ramdam 'yon."

Okay naman na kasi sana, eh. Hindi na sana magugulo ang isip ko kung hindi ko siya nakita. "Sige na matulog ka na." Ani ate sabay halik sa noo ko.

Bumalik na ako sa kwarto at buti na lang nakatulog na ako. Sa isang araw na ang kasal nina Caila at Von kaya mas busy pa sila ngayon. Pumasok pa ako ngayon dahil may pipirmahan lang naman ako sa office. Hindi na ako nagpahatid kay Leigh dahil alam kong busy rin siya dahil tinutulungan niya ang kuya niya.

Maaga akong nakauwi kaya dumaan muna ako sa coffee shop dahil dito na lang kami magkikita ni Leigh. I already ordered for us dahil malapit na naman raw siya. Nang matanaw ko siya ay kumaway ako ng mabilis niya akong makita. He walked towards me and lean to give me a kiss on the forehead.

"Kanina ka pa? Sorry natagalan, si kuya kasi may pinahatid pa sa'kin." Aniya.

"It's okay. Nag-order na ako ng sa'tin." Saad ko. Nagkukwentuhan lang kami ng mangyayari sa kasal nina Caila at Von habang naghihintay.

"Gadielle, 'yung phone mo." Rinig kong sabi ng babae. Nagpanik naman ako agad kaya tiningnan ko kung siya nga ba 'yon o hindi. Pero hindi na nahagip ng mata ko dahil sumakay na sa kotse 'yung lalaki.

Hindi naman pamilyar sa akin ang kotse na 'yon kaya baka hindi siya. Tsaka marami naman sigurong Gadielle ang pangalan. Inalis ko na lang sa isipin 'yon ng dumating na ang order namin.

Nasa harap na ang order pero nakatingin pa rin sa akin si Leigh. Seryoso ang itsura niya at hindi ko alam kung ano bang tumatakbo sa isip niya. "Jeanne.." Aniya habang sumisimsim ako ng kape.

"Bakit?" Lumingon ako sa kanya at tiningnan siya sa mata. Mababakas ang lungkot doon na hindi ko alam kung saan nagmumula.

"Do you still... love him?" Napatigil ako dahil roon at hindi alam ang isasagot.

Do I still love him? I don't know. I'm damn confused. Tuwing si Leigh ang kasama ko sa kanya lang umiikot ako mundo ko. Pero kapag napag-uusapan si Grant o kahit marinig lang ang pangalan niya at makita siya biglang nagugulo ang isip ko at puro siya ang pumupuno roon.

"Kapag alam mo na ang sagot, 'wag kang mag-alangang sabihin sa akin, ha? You know how much I love you to the point that I am willing to saw stars in your eyes even if it's twinkling for someone else's sky." Aniya at malungkot na ngumiti.

"Ano bang sinasabi mo? Umayos ka nga!" Saad ko. Kahit alam kong ang tinutukoy niya ay si Grant. Parang sinasabi niyang pinipili ko si Grant kaysa sa kanya. Tumawa siya ng bahagya at sumimsim na lang sa kape. Inihatid niya na rin ako sa bahay pagkatapos at dumeretso ng uwi.

The Edge of Never | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon