"Frances huwag mo kakalimutan ang camera mo. Importante 'yon na dadalhin ha?"
Caila faced me again reminding me not to forget to bring my camera. Ilang beses niya na 'yong pinaalala sa'kin. I just nodded at her. Hindi pa naman ako makakalimutin para makalimutan psh, hello?
Bukas na ang araw kung saan mag-hihiking at camp kami sa Batangas. Medyo malayo 'yon kaya maaga pa lang ay pupunta na kami.
She will sleep here with me so that the boys will just pick up us here. Para magising ko din agad si Caila if ever na naman.
Nag-papack na kami ng gamit na dadalhin namin. Nag-baon lang kami pareho ng pamalit at pantulog dahil isang gabi lang naman din kami roon. Para hindi rin mabigat dalhin at kayang-kaya namin.
After packing our things we slept already. We need to wake up at three am dahil ang byahe papunta roon ay matagal. Pagkarinig ko ng alarm ay bumangon na agad ako at nag-tungo sa banyo para maghilamos.
Ngunit natapos na akong maghilamos at mag-toothbrush nakadapa pa rin si Caila sa kama at yakap ang unan.
Out of nowhere I thought of an evil plan. I took some photos of her. Sinulatan ko ang mukha niya ng kung ano-ano at muling kinuhanan ng litrato.
I wanted to laugh so hard but I controlled myself. Baka magising ko siya agad at gantihan ako kahit nakaayos na ako.
I finished tripping her but she was still in her sleep position. Parang walang pake sa mundo basta makatulog. Kinuha ko na ang damit na isusuot ko sa pag-akyat.
Ito na rin ang isusuot ko papunta pero papatungan ko ng jacket. It was a grey adidas sports bra paired with an adidas leggings. Nag-punta na ako sa banyo upang maligo.
Saktong pag-kalabas ko ay nag-iinat na siya. Buti naman. I thought she wants me to wake her up again by a water.
I remembered last time, I was in a hurry pero gusto niyang makisabay so I had no other choice. Binihusan ko siya noon ng tubig at dali-dali naman siyang bumangon.
"Akala ko gusto mo pa ulit mabuhusan ng tubig." Saad ko na tumatawa.
Nginiwian at nag-make face lang siya sa akin at dumiretso na sa banyo. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko ay naliligo na rin siya. I was braiding my hair in to two when she finished.
Nakasuot siya ng maroon sports bra partnered with black leggings. Ganoon na lang din ang gagawin niya sa akin. Itinali niya lang sa mataas ang kanyang buhok kaya naman sabay lang kaming natapos.
She put liptint and powder since hiking lang naman 'yon. Ganoon lang din sa akin kaya natapos kami kaagad.
Binitbit na namin ang bags namin pababa ng mag-ring ang cellphone ko. Ibinaba ko muna sa sala ang mga 'yon at sinagot ang tawag ni Grant.
"Love, papunta na kami diyan. Wait for a few minutes muna. I love you."
"Sige sige. Kakatapos lang rin naman namin. Ingat kayo. Pasabi kay kuyang nag-dadrive dahan-dahan."
I ended the call after that. Nanood na lang muna kami ni Caila habang nag-hihintay sa dalawa. Nasa kalahating oras na ng may narinig kaming bumusina.
Hindi ko na sila pinagbuksan dahil may spare keys naman si Grant ng bahay. I turned off the TV and checked all the switch.
Wala kasi ang mga maids dahil pinayagan kong umuwi for a week dahil aalis rin naman ako.
Tinulungan na kami ng dalawa sa pag-bitbit ng gamit. I also locked the doors and gate. Pagkasakay sa van ay sumandal agad ako kay Grant.
BINABASA MO ANG
The Edge of Never | ✔
Teen FictionShe is Jeanne Frances Fabella. A girl with principle. May pangarap at gustong mapatunayan. She has everything. Not until Grant Gadielle Cearo came to her life. Lalaking walang plano sa buhay at sumasabay lang sa agos nito. The man who was the reaso...