23

40 20 26
                                    

Matapos ang dinner na 'yon ay hinatid niya ako sa amin. Balak rin naming ipaalam na kay ate agad dahil baka magtampo na naman siya kapag sila Caila ang unang nakaalam. Nang makababa ng kotse ay kabadong sumunod sa akin si Grant. Gusto kong matawa sa itsura niya pero pinigilan ko na lang.

Pumasok kami sa bahay at roon umupo sa sala. Nagpunta ako sa kusina at nagpahanda muna kay nanay Emy ng makakain. Umakyat ako upang tawagin si ate.

"Ate... Nandito si Grant." Saad ko ng makapasok sa kwarto niya. Natigil naman siya sa ginagawa at lumingon sa gawi ko. Nakita kong ngumiti siya kaya nakahinga ako ng maluwag. Alam kong masaya siya dahil pinili ko kung ano ba talaga ang sinasabi ng puso ko. At alam kong kahit anong mangyari ay susuportahan niya ako.

"Susunod ako." Aniya kaya nauna na akong bumaba. Narating ko ang sala at nakita roon si nanay Emy na hindi makapaniwalang narito si Grant.

"Jusko kang bata ka! Ang tagal kitang hindi nakita." Saad niya at umupo sa tabi nito. "Na-miss kita, 'nay Emy." Sagot ni Grant at niyakap ang matanda.

Lumapit na ako at tumabi sa kanila. Abot sa tainga ang ngiti ni nanay Emy ng makita kaming magkasama ulit ni Grant. "Kayo na ba ulit?" Anas niya.
Sabay kaming tumango ni Grant kaya napayakap siya sa amin dahil sa tuwa. Tinawanan tuloy namin siya at natigil lang ng bumaba si ate at umupo sa katapat na sofa, sa harap mismo ni Grant.

Bumalik tuloy ang kaba niya na akala mong nangangain ang kaharap. Maging ang kamay niya ay nanginginig at may maliliit na butil ng pawis sa noo niya. Hinawakan ko ang kamay niya upang hindi na siya kabahan. "Oras na saktan mo ulit 'yang kapatid ko hindi na talaga kita palalampasin." Hindi naman galit ang tono niya kaya nakahinga ng maluwag si Grant.

"Hindi na po, ate. Hinding-hindi na..." Bukal sa pusong sagot niya.

"Oh ano, hindi pa ba kayo susunod kina Von at Caila?" Biglang tanong niya habang kumakain kami. Napaubo tuloy kaming pareho ni Grant kaya tinawanan niya ang itsura namin.

"Hayaan mo, ate, hindi ko na patatagalin. Malapit ko na 'tong itali sa'kin." I felt my face reddened because of that.

"Kailan niyo planong ipaalam kila mom?" Napaisip naman ako dahil roon at inaalala kung may schedule ba si mom rito sa company namin sa Pilipinas para doon na lang rin namin sabihin ng pormal.

"Siguro kapag nakauwi na sila mom next month. Isa pa, kasama niya si dad niyon kaya mas maayos."

"Pwede ko ring sabihan ang parents ko para isahang announcement na lang. Tsaka matagal na rin silang hindi nagkita-kita nila tita." Saad ni Grant sa tabi ko.

"Maiwan ko na kayo at may tatapusin pa akong trabaho. Grant, late na rin, sa guest room ka na lang matulog." Saad ni ate Czarra at umakyat na.

Kinuha lang ni Grant ang extra niyang damit sa kotse at pumasok na rin. Umakyat na kaming pareho at pumasok sa kanya-kanyang kwarto. Naisipan naming mag-movie marathon kaya matapos magbihis ay nagtungo kami sa entertainment room.

Nakasandal ako sa dibdib niya at nakayakap ang isa niyang kamay sa akin. It was a romantic movie kaya hindi ko mapigilang mapangiti kapag kinikilig. Nililingon ko siya paminsan at nahuhuling nakatingin lang sa'kin. "Hindi ka naman yata nanood, eh." Asik ko.

"You're the best view that I can ever watch." Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil roon. Papatayin naman yata ako nito sa kilig. Hindi ko na siya pinansin at itinuon na lang ang atensyon sa pinanonood. Sinusuklay niya ang buhok ko kaya inaantok ako sa ginagawa niya.

Nagising na lang akong nasa entertainment room pa rin. Katabi ko si Grant na mahimbing ang tulog habang nakayakap sa akin. Humarap ako sa kanya at pinagmasdan siya. Ipinadausdos ko ang daliri mula sa kanyang kilay, mata, ilong, hanggang sa maglandas iyon sa labi niya.

The Edge of Never | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon