Nasa roof top ako ng school at natutulog ng may narinig akong umiiyak. Tumagilid ako at tinakpan ng bag ang tainga ngunit habang tumatagal lumalakas rin iyon.
Nairita na ako kaya hindi ko napigilan mag-salita. "Ang ingay naman." Nagulat ko yata siya dahil sa itsura niya ng makita ako. Naglakad ako papalapit at umupo roon sa tabi niya.
Kinuha ko ang panyo sa bag ko at inabot iyon sa babae. Mugtong-mugto ang mata niya kakaiyak. Siguro tulad ko, mas gusto niyang rito magpunta upang maglabas ng sama ng loob.
Noon pa man palagi na ako sa roof top tumatambay. Pumapasok ako sa pero hindi nag-aaral. Walang direksyon ang buhay ko. Kung saan ako tangayin niyon, doon ako.
"Ilabas mo lang 'yang sama ng loob mo, makikinig ako." Pagkasabi ko noon ay nag-simula na nga siyang magkwento. Punas siya ng punas sa luha niya dahil hindi tumitigil iyon.
Naramdaman ko na lang na parang gusto kong pagaanin 'yung loob niya. So I gave her an advice to comfort her and made her cheer up."If you feel like crying right now, it's okay, go ahead and cry. I know you feel like a mess this moment." Nilingon ko siya at nakatunghay lang siya sa'kin.
"But hey, everyone messes up sometimes. So it's okay to feel lost." Nakita kong unti-unti siyang tumitigil sa pag-iyak.
"I know you'll eventually find your way out. It's okay if right now you feel like you're not the person you're supposed to be, I know you'll figure it out one day."
"It's okay if you feel like you've failed yourself and the people you love a lot of times already. One day, after all the tries, and failures and cries, you'll finally make it."
It's funny how I can advice some serious shit but can't apply it on my own.
I smiled at her and she smiled back. I'm silently hoping that I made her feeling better. It's getting dark but we were still sitted on the ground.
"I'll give you back your handkerchief. Lalabhan ko muna." Aniya at tumanggi naman ako. Marami naman ako niyon kaya sa kanya na. Tumawa pa ako at nakitawa rin siya.
When she was crying, I knew she's beautiful. And there when she smiled and laughed, I saw an angel.
"I'm Grant." I offered my hand. Tiningnan niya muna iyon bago tanggapin. "I'm Frances." Her name suits her.
"Pumunta ka lang dito pag feel mo hindi mo ulit kaya. Andito lang ako madalas. Makikinig ako sa'yo." Tumayo na ako dahil gabi na at baka hinahanap na rin siya.
I offered to take her home but she refused. Kaya nang makababa ay nag-hiwalay na rin kami. Nang mga sumunod na hapon, napapadalas na siya roon.
Pareho lang kaming nakatanaw sa malayo at madalas siyang magkwento ng nangyari sa buong araw niya. Inaabot kami ng gabi at palagi ko siyang hinahatid para masiguro kong safe siya. Napag-alaman ko rin na sa iisang subdivision lang naman kami at mas malayo lang ng kaunti ang amin.
Unti-unti kong naa-appreciate 'yung presensya niya at parang siya na lang ang nagiging dahilan kung bakit gusto kong palagi sa roof top. She introduced me to her childhood best friends, Caila and Von. Tuwing vacant at lunch namin ay magkakasama kami.
As months passed, I knew I'm falling. My world stops everytime I saw her. I'm no new in falling in love but I know this one's different.
Hanggang sa naisipan ko ng umamin sa kanya. Ayoko ng mag-aksaya ng oras dahil baka maunawan pa ako. I can endure the pain of being rejected than being afraid of not confessing.
Magkakasama kami ngayon sa cafeteria at para akong natatae sa kaba. Nanginginig ang mga kamay ko at pinagpapawisan ako. 'Yung dalawa naman ay tinatawanan lang ang itsura ko.
BINABASA MO ANG
The Edge of Never | ✔
Teen FictionShe is Jeanne Frances Fabella. A girl with principle. May pangarap at gustong mapatunayan. She has everything. Not until Grant Gadielle Cearo came to her life. Lalaking walang plano sa buhay at sumasabay lang sa agos nito. The man who was the reaso...