13

42 26 46
                                    

Pagkatapos ng pag-amin niyang 'yon ay hindi na naman siya nagpakita. Ang gulo niya din, eh. Ano siya kabute? Kung kailan gusto magpakita tsaka susulpot?! Hay nako! Gulo niya ang isip ko.

But it's better this way. 'Yung walang Laurene na sisingit at manggugulo. Sana tanggapin niya na lang na ayaw sa kanya ni Grant. Na hanggang magkaibigan lang talaga sila.

These past few days went well. Pero ngayon at sa mga susunod pang araw ay stress na naman. Andaming reports ang kailangang gawin. May mga presentations pa. Malapit na naman ang exams.

Me and Caila were so lack of sleep. After school we go straight on making our presentations. And then after, the powerpoint. We were also reviewing.

Hindi halos namin makasama ang dalawa kahit weekends. We were all busy. 'Yung dalawa rin ay ganoon sa amin. Sa school na lang talaga kami nagkakasamang apat.

Idagdag pa 'yung kay ate Czarra. Her boyfriend broke up with her. Mahal pa raw 'yung ex. Gago ba siya? Si ate Czarra na 'yon oh? He really is stupid. Sinayang niya pa 'yung babaeng hindi panandalian lang at full package na.

Kaya nung mga nakakaraan din ay lagi kong tinatawagan si ate. I always make a time to check on her. Baka hindi na kumakain 'yon doon. Grabe kasi magmahal, ibinigay lahat.

But if I'm on her shoes, I'll do the same. Mahal mo eh, ibigay mo lahat. Kung masasaktan ka sa huli, edi nasaktan. Ang dali, eh. Char HAHAHAHA!

"Oh ate, kamusta puso mo?" I asked.
"Durog pa rin." Aniya na tila iiyak na naman. Tuwing magkausap kami simula noong nagbreak sila lagi siyang umiiyak.

But I can't do anything. I can't even hug her. I can't even wipe her tears. Kung sana magkasama lang kami.
All I can was to comfort her through the phone. I told it to our parents para makausap rin nila si ate. Para kahit paunti-unti ay maging okay siya.

Kapag talaga nakita ko 'yung lalaki na 'yon nako talaga. Masasapak ko 'yon. Swear to God. Igaganti ko ang ate. Hmp. Hindi pwedeng may nasasaktan sa pamilya namin, ha.

Ngayon ay nandito ako sa garden ng school. Dito ako naggagawa ng report sa isang subject namin. Mas nakakarelax ang paligid.

Nasa kalagitnaan ako ng tulog ng magring ang cellphone. Hindi ko halos namalayan na nakatulugan ko na ang ginagawa! Buti na lang at may tumawag.

Grant is calling...

Agad ko iyong sinagot habang kinukusot-kusot pa ang mga mata.

"Hello?" I answered.

"Love, where are you?" he asked.

"I'm in the school's garden. Why?" I muttured.

"Punta ako diyan. Dadalhan kita ng tanghalian. Sabi ni Caila ay hindi ka pa kumakain." Aniya at nagpaalam na.

Habang hinihintay siya ay tinuloy ko na ang ginagawa. Kahit nakakapagod hindi naman pwedeng tumigil. I'm on the dean's lister kaya kailangan kong i-mentain 'yon.

"Love." Tawag niya sa akin. Tiningala ko siya at nginitian. Umupo siya sa tabi ko at inilapag ang paper bag niyang dala. Inilabas niya ang mga laman no'n at nag-aya ng kumain.

Napasarap naman ang kain ko dahil menudo ang ulam. Alam niyang paborito ko 'to kaya ito ang dinala niya. Alam niyang hindi ko matatanggihan, eh.

Pagkatapos niyon ay nagpahinga muna kami. Ngayon ko lang rin naramdaman ang pagod ng kamay sa kakatype. "Ah, love?" tawag niya sa akin.

"Hmm?" tanging sagot ko.

"'Yung kuya ni Laurene. Umuwi kasi siya last week galing sa US. Na-contact niya ako kagabi. Eh, inaaya ako sa bar malapit doon sa kanila. Inom daw, love. Pwede ako?" Aniya at nagpapaalam.

The Edge of Never | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon