"Congrats! I'm so happy for the both of you!" Ani Caila at niyakap ako. Umiiyak siya kaya hinagod ko pa ang likod niya para mapatahan.
Niyakap rin ako ni Von at lumapit rin si Leigh upang bumati. "Congrats!" Yumakap rin siya tulad ng iba. Hindi pa man nagtatagal ay umubo si Grant sa tabi ko kaya natawa kaming pareho. "Hindi ko aagawin, bro. Easy ka lang." Aniya at nakipag-kamay rito.
Our parents greeted us and started talking about the wedding. Hindi ko pa rin naiisip kung kailan ba pwede pero gusto ni Grant mangyari 'yon this year.
"Itatali na kita sa'kin as soon as possible. Hindi ko na talaga kayang patagalin." I laughed and just continue eating. Narito na kami ngayon sa baba at kumakain. Matapos niyon ay nagpaalam na rin kami sa isa't-isa. Nauna na si Von kasama ang misis niyang si Caila.
Maging sila tita Francia ay umuwi na rin. Pati sila mom ay sumunod na. Kay Grant ako sasabay dahil nakahiwalay siya ng kotse. Huminto kami sa park at humiga sa damuhan.
Nakaunan ako sa braso niya habang nakatanaw kami sa langit. Huling punta namin rito bago ako umalis ay masakit na tagpo para sa amin. Ngunit inalis ko na lang rin iyon sa isipin dahil ang mahalaga kasama ko siya ngayon.
"Ilan ang gusto mong anak?" Tanong niya kaya napaubo ako ng bahagya roon. "I think three is enough?" Balik ko.
"Okay. Three kids are enough." Aniya.
Nailang tuloy ako dahil sa tanong niya. Naalala ko noon si Caila, hindi pa sila kinakasal ay may nangyari na sa kanila. Kami rin kaya? Nailing ako sa isiping 'yon. Geez. Frances, ayusin mo utak mo.Isang oras ang lumipas at napag-pasyahan naming umuwi na. Hinatid niya lang ako sa amin at dumiretso na rin sa kanila.
Umakyat ako sa taas upang makapag-palit na at makatulog. Nang makahiga sa kama ay dumako ang tingin ko sa cabinet roon.
Naglakad ako papunta doon at kinuha ang isang box. Laman niyon ang promise ring na binigay sa akin ni Grant years ago. Hindi ko 'yon itinapon at napagdesisyonang itago na lang noon.
Isinuot ko muli ang singsing sa akin at pinagmasdan ang kamay ko. Dalawa na ngayon ang singsing roon. The promise and the engagement ring that he both gave to me.
Kinabukasan ay balik sa trabaho kaya ganoon ulit ang routine namin ni Grant. Pupuntahan niya ako kapag wala na siyang ginagawa at magdidinner kami sa labas. A month passed by just like that. Inaasikaso na rin ang mga papers namin para sa mangyayaring kasal next next month.
Ngayon ay narito si Grant sa bahay at ipinag-paalam ako kay ate dahil doon raw ako matutulog sa kanila. Tita Francia invited me to join them in dinner. Last na kita rin kasi namin noong proposal ni Grant.
"Ate, alis na kami." Humalik ako sa pisngi niya at kumaway bago sumakay sa kotse ni Grant. Nakarating kami sa kanila at ipinark niya muna sa garahe iyon bago kami pumasok.
"Tita. Tito." Hinalikan ko rin sila sa pisngi at niyaya nila akong maupo muna. Naroon kami sa sala at nagkukwentuhan ng tawagin kami ng maid para kumain na.
Nagtungo kami roon sa sa dining area at umupo. Grant pulled the chair for me and sat on his. Ganoon rin ang ginawa ni tito kay tita. Nang makakain ay umakyat na rin kami sa kanya-kanyang kwarto. Hindi na ako pinatulog nila tita sa guest room dahil ilang buwan na lang naman raw magtatabi na rin kami sa iisang kama kaya ngayon pa lang ay mag-sanay na raw kami.
Naunang maligo si Grant kaya habang naghihintay ay nanonood lang ako sa TV niya. Lumabas siya at tanging sweat shorts lang ang suot at walang pantaas. Pinupunasan niya ng tuwalya ang basa pa niyang buhok.
Napalunok naman ako dahil sa itsura niya. Lalo ng dumapo ang tingin ko sa abs niya. Parang gusto ko na lang hawakan ang mga 'yon bigla.
![](https://img.wattpad.com/cover/237865023-288-k954403.jpg)
BINABASA MO ANG
The Edge of Never | ✔
Teen FictionShe is Jeanne Frances Fabella. A girl with principle. May pangarap at gustong mapatunayan. She has everything. Not until Grant Gadielle Cearo came to her life. Lalaking walang plano sa buhay at sumasabay lang sa agos nito. The man who was the reaso...