Naging maayos naman kami ni Grant pagkatapos niyon. Ipinaintindi ko sa dalawa ang nangyari hanggang sa maging ayos ulit ang tingin nila kay Grant. Okay na ulit kaming apat.
Ang hindi ko inaasahan ay bumawi siya. At lalong hindi ko inaasahan na puputulin niya ang koneksyon kay Laurene.
Lagi niya akong sinusundo ng maaga upang makasabay sa agahan. Lagi kaming sabay na pumapasok. Ihahatid niya ako sa building namin at susunduin kapag dismissal na.
Inihahatid niya ako at paminsan ay doon pa natutulog sa bahay. Siya ang nagiging reviewer ko. Tinutulungan niya ako sa mga presentations ko.Minsan pa ay nakakatulugan ko na ang gawain at gigising na lang na nasa kama ko na. Mas itinuon niya sa akin ang atensyon.
Hindi niya ako masusundo ngayong araw dahil may aasikasuhin siya sa school ng maaga. Hindi naman na ako nagtanong kung ano 'yon dahil nagtext si Caila na sabay kaming pumasok.
Pagkapasok namin ni Caila sa school sumalubong agad sa amin si Von. Halatang hingal siya dahil sa paghahabol niya ng hininga.
Anong nangyari dito?
"Come with me. May nangyayari doon sa rooftop. Si Laurene nagwawala at ayaw tumigil." Aniya at mabilis naman kaming sumunod papatakbo.
Bakit siya nagwawala? Natuluyan na ba siya? Ang aga-aga ganoon ang bubungad. Nako naman jusmiyo! Anong eksena na naman 'yon.
Dahil sa katatakbo ay pinagpawisan na kami. Hindi pa man din nagsisimula ang klase haggard na. Dahil talaga 'to sa babaeng higad na 'yon, eh.
Gigil niya ako!
Takbo lakad ang ginawa namin hanggang makarating sa rooftop. Mainit na sinag ng araw ang bumungad sa amin nang maka-akyat.
Nagulat ako ng may ibang mga tao rin doon. At mas lalo akong nagulat nang makita kung sino ang nagpapakalma sa kanya.Si Grant....
Ang sabi niya ay hindi na siya lalapit? Bakit ngayon ganito ang bubungad sa akin? Unti-unti na namang bumigat 'yung nararamdaman ko. Nakakaramdam na naman ako ng pagkirot sa puso ko. Ilang beses pa ba siyang mangangako pagkatapos ay sisirain din iyon?
"I'm not joking about this. Kapag nilayuan mo pa ako ulit tatalon talaga ako dito, Yel." Aniyang tila nagbabanta.
Psh. Edi tumalon siya. Baka matuwa pa nga ako kapag ganoon. Nakaka-
konsensya pala. Huwag na lang."Laurene, stop this. Sa tingin mo ba matutuwa sila tito kapag nalaman nila 'yang mga pinag-gagagawa mo?" Grant's in his serious voice.
"I don't care. Basta gagawin ko 'to kung lalayuan mo pa ulit ako." Aniya.
Matigas din talaga bungo nito, eh."Baliw ka ba? Sa tingin mo bakit kita nilalayuan?" Tila nawalan na ng pasensya si Grant.
"I'll call the guard." Saad ko kay Caila at tumango lang siya. Pumasok ulit ako sa pinto at nag-dial.
"Hello, kuya Martin. May nagwawala po kasi dito sa rooftop baka po tumalon kailangan namin kayo rito." Anas ko.
"Anak ng teteng.. Oh siya sige at aakyat na ako. Tataas ang dugo ko sa batang iyan talaga." Tugon niya at pinatay na ang tawag. I waited kuya Martin so that we go together. Ito namang si Laurene kahit guard na ang umaawat ayaw pa rin tumigil.
Hindi ako nainform na kaya niya talagang gumawa ng ganitong eksena mapansin lang ni Grant. She's so fucking desperate for pete's sake!
Si Grant naman halatang problemado. Alam kong ayaw niyang gawin ang sinasabi ni Laurene dahil sa akin. Nangako siyang hindi na kakausapin pang muli ang babaeng 'yan.
BINABASA MO ANG
The Edge of Never | ✔
Teen FictionShe is Jeanne Frances Fabella. A girl with principle. May pangarap at gustong mapatunayan. She has everything. Not until Grant Gadielle Cearo came to her life. Lalaking walang plano sa buhay at sumasabay lang sa agos nito. The man who was the reaso...