Hindi muna ako lumapit at hinintay ang gagawin niya. Kung magdo-door bell ba siya o ano. Pero nabigo ako ng bigla na lang lumaylay ang balikat niya at yumuko. Tila nagdadalawang isip kung ano ang dapat niyang gawin. Pero sa huli ay pumasok rin siya sa kotse niya at pinaandar ito palayo sa bahay.
Nakaramdam naman ako ng panlulumo. I though it was it. I thought it was the chance for us. Umiiling akong nagtungo sa bahay. Pagkapasok ko sa gate ay naabutan kong naghahanda na ng umagahan si nanay Emy.
"Shower po muna ako." Tanging tugon ko ng akmang yayayain niya na ako.
"Oh siya sige. Basta bilisan mo ng sabay-sabay kayo." Aniya at tumango na lang ako.
Parang nawalan ako ng gana bigla. Naghalo-halo ang nararamdaman ko. Andoon 'yong panghihinayang at pati na rin 'yung sakit. Hindi ko alam kung ano ang mas nangingibabaw sa dalawa. Nagshower lang ako ng mabilis at nagbihis ng pambahay bago bumaba. Nadatnan ko sina Caila at Von sa hapag at hinihintay ako. Nginitian ko sila ng mapansing nagtaka sila sa itsura ko.
Pagkaupo ay magsisimula na sana sila ng bigla akong mag-sign of the cross. Nagkatinginan pa ang dalawa bago gayahin. "Bless us, Oh Lord with this Thy gifts, which we are about to receive from Thy bounty through Christ, our Lord, Amen." I prayed.
Nagsandok na ako ng kanin pagkatapos at naglagay ng bacon at egg sa plato ko. Tinimplahan rin ako ni nanay Emy ng gatas na paborito ko.
"Bakit ang tahimik mo? May nangyari na naman ba?" Caila asked. Hindi na naman nakapagpigil, hays!
"Nothing. Let's just enjoy the food." I answered but obviously they're not buying my excuse. Natapos kaming kumain at nagkayayaan manood ng sine. Papunta na kami sa mall at si Von ang nagdadrive, katabi niya naman si Caila sa shot gun seat at ako sa likod.
Third wheel ang ganap...
When we arrived, Von parked the car and open the shot gun seat door for Caila. Gagawin niya rin sana sa akin kaso naunahan ko siya sa pagbukas.
"I have a hands." I told him that make them both laughed. I looked at them in disgustment.
"Ikaw napaghahalataang bitter. Mas mapait ka pa yata sa ampalaya!" Asik ni Caila na nakahawak pa rin sa tiyan.
I glared at her but she ignored me and continue laughing. Von was trying his best to contain his laugh. Alam niyang kapag nabwisit na ako ay bigla na lang akong nagwa-walk out.
"Ano? Manonood ba tayo o tatawa na lang kayo diyan?" Mataray kong tanong.
"Ayan na nga ayan na. Ikaw kasi, eh!" Aniya at hinampas pa ako sa braso.
Kung hindi ko lang bestfriend 'to baka nasiko ko na.Pagkapasok sa sinehan ay kakaunti pa lang ang tao. Nasa bandang gitna kami kaya ayos lang. Syempre, favorite namin ni Caila ang nasunod.
Sa paglipas ng oras ay unti-unti nang napupuno ng tao ang loob. Ngunit isa lang ang nakapukaw sa atensyon ko. Si Grant...Umupo siya ilang bangko lang sa harapan ang pagitan namin. Nagkakarambola na naman ang puso ko dahil doon. Bakit kailangan palagi ko siyang nakikita? Paano ako makaka-move on kung ganito...
Ngunit nalipat ang atensyon ko sa babaeng lumapit at tumabi sa kanya. It was Laurene. Kinakausap siya nito at tanging tango ang tugon niya. A-are they t-together now? Bakit ang bilis naman? Gano'n-gano'n lang?
Bigla na lang may tumakip sa mata ko ng papatulo na ang luha ko. "Huwag mo ng tingnan. Mas lalo kang mawawasak." Leigh said.
Pagkatanggal niya ng kamay ay inabutan niya ako ng panyo. Lumingon ako sa gawi nila Caila at nakita ko ang pag-alala nila. Halata sa mukha ni Caila na naawa siya sa akin. Si Von ay galit na naman at gusto ng manugod pero pinipigilan ang sarili.
BINABASA MO ANG
The Edge of Never | ✔
Teen FictionShe is Jeanne Frances Fabella. A girl with principle. May pangarap at gustong mapatunayan. She has everything. Not until Grant Gadielle Cearo came to her life. Lalaking walang plano sa buhay at sumasabay lang sa agos nito. The man who was the reaso...