Bawat litratong tinitingnan ko kasabay ay luhang pumapatak sa mga mata ko. So this past few days all along they were together. Kaya hindi ako nasusundo ni Grant. Kaya hindi niya ako naihahatid man lang. Kaya hindi siya nakakasama sa amin.
Bakit naman gano'n? Tila nakalimutan niya yata kami bigla. Bakit mas pinipili niyang samahan si Laurene kaysa sa amin. Kaysa sa akin.
My mind was so full of fucking why's. Did he cheat on me? Did he chose that girl over me? And if yes, why?Dahil doon ay hindi ako nakagawa ng dapat ipapasa kinabukasan. Gusto kong mag-inom bigla. I called Caila and told her to go here. I badly need a companion right now.
From:CAILAngot
Labas ka andito na 'ko.Pagkareceive ko sa text ay agad akong bumaba upang pagbuksan siya. She was holding cans of beer. And Von beside her was holding foods.
Doon kami dumiretso sa sala at inilapag nila sa coffee table ang dala nila. I brought the envelope with me and place it on the table. Kinuha agad iyon ni Caila at tiningnan. Unang picture pa lang ay napatingin na siya agad ng may awa sa akin. Gustuhin ko mang ngumiti kahit peke ngayon ay hindi ko magawa.
Masyadong masakit ang nararamdaman ko para gawin iyon ngayon. Now I feel that I'm so weak...
Matapos makita ni Caila 'yon ay lumapit agad siya sa akin at niyakap ako. I hugged her back. I cried and cried on her shoulders. Ngayon ko lang naramdaman na hinang-hina talaga ako. 'Yung sa bar ay matatanggap ko pa dahil wala siyang alam sa nangyari. Pero ito.... hindi ko na alam.
"Putangina, Grant! Pumayag ako na 'wag mong layuan si Laurene dahil baka kung ano anong katangahan ang gawin niya. Pero hindi ko naman sinabi na siya na lang 'yong samahan mo!" I shouted.
Hindi ko alam kung ilan na ang nainom ko pero wala akong pakialam doon. Gusto ko lang ilabas lahat ng naipong sakit sa dibdib ko. Caila's making me calm and Von get me a cup of coffee.
Nagising na rin si nanay Emy dahil sa pagsigaw ko. She was so worried about me that she almost called my parents. Pinigilan lang siya ni Von at sinabing sila na ang bahala sa akin. Sa lahat ng dinala nila Caila ako lang yata ang nakaubos niyon. I am so drunk, hindi ko na alam ang ginagawa at sinasabi ko.
I heard Caila speaking on the phone but I don't know whom she was talking with. Nasa sofa lang ako at nakasandal. Tatahimik sandali at muling magsasalita na naman. Hindi nila ako pinigilan, inaalalayan lang nila ako sa mga ginagawa ko.
"Take her in her room. Magpapainit lang ako ng tubig pampunas sa kanya." Caila whispered. Naramdaman kong may bumuhat sa akin ngunit hindi na ko makapagmulat pa ng mata.
"Mahal na mahal kita, Grant. Huwag mo naman akong saktan ng ganito." I murmured out of nowhere and my tears started to fall again.
"Mahal na mahal rin kita, Frances. Sa sobrang pag iwas ko na masaktan ka pati pala ako mismo nakakasakit na sa'yo. I'm sorry, love..." May narinig akong nagsalita ngunit hindi ko na maintindihan ang sinabi.
I fell asleep and woke up in my own room. I held my head because of the ache. Sobrang sakit ng ulo ko. I can't even go to the bathroom to wash my face. "Hey, I think I can't attend school now. My head hurt so bad." I called Caila.
"It's okay, take a rest. Ako nang bahala mag-explain sa mga prof." She answered. "Aight, thank you." Then I ended the call. Nakatulog ulit ako pagkatapos niyon. At nagising lang bandang ala singko ng hapon.
Marami pa akong dapat gawin na ipapasa ngayon at sa mga susunod na araw pero wala ako sa wisyo para umpisahan. I locked my room. Kahit si 'nay Emy ay hindi ako makausap. I don't want to talk now. All I want is to be alone.
BINABASA MO ANG
The Edge of Never | ✔
Teen FictionShe is Jeanne Frances Fabella. A girl with principle. May pangarap at gustong mapatunayan. She has everything. Not until Grant Gadielle Cearo came to her life. Lalaking walang plano sa buhay at sumasabay lang sa agos nito. The man who was the reaso...