"Welcome home, Frances!" Sigaw nina ate Czarra, Caila at Von sa airport ng makita kami.
It's been almost five years since I left this country. Sobra kong namiss ang atmosphere dito dahil iba iyon sa lugar kung saan ako nanggaling.
"Si Frances lang ba ang umuwi? Bakit hindi niyo ako winelcome?!" Ani Leigh na parang magtatampo na.
"May naririnig ba kayo?" Biro ni Caila.
"Hala! May multo yata?!" Gatong ni Von.
"Magsitigil na nga kayo! Tingnan niyo si Javis iiyak na yata. Baka bumalik sa Italy 'yan." Suway ni ate Czarra sa dalawa.
Tinawanan ko lang siya nang makipagyakapan rin kila Von at Caila. Nailang pa siya nung tumapat kay ate pero niyakap pa rin ito.
"Akala talaga namin ay hindi na kayo uuwi. Buti na lang pala at dito ka na inassign ni tita sa Pilipinas." Ani Caila at nakasabit pa ang mga kamay sa braso ko.
"Miss na miss ba Caila?" Pabirong saad ko ngunit sineryoso niya yata 'yon dahil nangilig bigla ang luha niya.
"Oo. Kung hindi nga lang ako pinigilan ni Von baka sinundan na kita do'n." Asik niya.
"Don't be sad na. Umuwi na nga ako, oh? Sama-sama na ulit tayo." Niyakap ko siya at inakbayan ko naman si Von. I really missed my best friends!
Sumakay na kami sa van na dala ni ate at kakain raw kami sa restaurant. Siya ang nagdadrive at nasa likod niya ay sina Von at Caila, sa pinakadulo naman kami Leigh.
Nang makaalis ako rito sa Pilipinas, umuwi naman si ate Czarra matapos ang isang taon tulad ng sabi niya. Dito na siya nagpatayo ng clothing shop na pangarap niya. At naging kilala iyon sa industriya kaya may mga artistang kumukuha kay ate.
Huminto kami sa isang restaurant at umupo sa bandang dulo. Pang-animan 'yon at katabi ko sa kaliwa si ate at sa kanan si Leigh. Sa harap naman namin ay sina Caila at Von. Nag-order lang ako ng linguine at hinayaan ko na silang magtingin roon sa menu. Habang naghihintay ay nagkwentuhan muna kami.
"Ikaw Javis, bakit umuwi ka rin? Hindi ba andoon ang kompanya niyo sa Italy?" Tanong ni Von.
"May sinusundan." Saad ni ate sa tabi ko kaya siniko ko siya na bahagya niyang ikinatawa. Napaubo naman si Leigh roon kaya inabot niya ang glass na may lamang tubig at ininuman.
Nakaligtas kami sa pangho-hot seat ni Caila dahil dumating na ang pagkain. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Hindi naman ako manhid para hindi mapansin ang mga ipinapakita ni Leigh sa akin. At mas lalo na nung sinabi niyang sasama rin siya pauwi para daw may kasama ako.
"Ano ba naman 'yan, Frances? Nasa Pilipinas ka na't lahat Italian food pa rin?" Aniya.
"That food became one of her favorites." The man beside me casually said.
Kaya ako naman ang naubo ngayon. Inabutan niya ako ng tubig kaya dali-dali ko 'yong ininom. Sa tingin ng mga kaibigan ko palang ay halatang may kung ano nang nabubuo sa isip nila. Si ate naman ay tahimik lang dahil sinasabi ko sa kanya lahat.
Matapos naming kumain ay dumiretso kami sa bahay. May importante raw na sasabihin sina Caila. Kanina pa lang sa sasakyan ay kinukulit ko na siya pero maghintay na lang raw ako.
"Nanay Emy!" Tumakbo ako papalapit sa kanya at sinalubong niya ako ng yakap.
"Namiss ko po kayo!" Saad ko sabay halik sa pisngi niya. Pansin ko rin na ume-edad na siya. "Ako rin namang bata ka! Buti na lang talaga at umuwi ka na."
Matapos makipag batian kay nanay Emy ay dumiretso na ako sa sala kung nasaan sila. Hindi ko na nagawang magpalit muna dahil sobrang curious ko na sa sasabihin ni Caila.

BINABASA MO ANG
The Edge of Never | ✔
Ficção AdolescenteShe is Jeanne Frances Fabella. A girl with principle. May pangarap at gustong mapatunayan. She has everything. Not until Grant Gadielle Cearo came to her life. Lalaking walang plano sa buhay at sumasabay lang sa agos nito. The man who was the reaso...