ZATRA WAKAS

2.5K 180 88
                                    

"Besty, mag-iingat ka roon ha. Bumalik kayo agad." Sabi ni besty Gabriel habang naka-yakap sa akin.


Nandito kaming lahat ngayon sa malapad na harden ng palasyo. Kasama ko ang mga kaibigan ko pati narin ang mga Hari at Reyna.


Walang nakuhang impormasyon si Gurong Mahata kung bakit kinuha ng fortes ang aking mag-ama. Until now puzzle pa rin naman sa akin kung bakit sila kinuha. Ano ang kanilang pakay?


"Handa ka na, Paris?"  Tanong sa akin ni Adonis at tango lamang ang aking sinagot.


Niyakap ako ni Nahamani at napayuko ako upang siyay matingan.


"Kuya, be safe po. Ibalik niyo po si princess Kariza dito." Naiiyak na sabi niya. Sunod namang niyakap ako ni Kurtis.


"Ibalik mo si adelfo dito taga lupa. Siya nalang ang natitira sa akin. Silang dalawa ni adelfo Darius." Iyak na sabi ni Kurtis.


Umupo ako upang maka-level ang mukha namin ni Kurtis sabay haplos ko ng buhok niya sa likod. "Don't worry, ibabalik ko sila dito. For the mean time, sila adelfo Gabriel at adelfo Maru na muna ang bahala sa inyo, okay?" Nakangiting sagot ko sa kaya at tumango lamang siya.


"Ayaw mo ba talaga kaming sumama,  Paris?" Tanong ni Gano sa akin.


"Napag-usapan na natin ito Gano. Mas mabuting kami ni Adonis ang pupunta nalang roon dahil nagagaya niya ang wangis at kapangyarihan niyo. At nagagaya ko rin naman ang kapangyarihan niya kaya tugmang tugma lang ang kapangyarihan namin." Sagot ko sa tanong ni Gano.


"Mag-iingat kayo doon, mahal na Hari." Wika ni Halena at yumuko.


"Besty, ikaw na muna bahala sa mga bata ha." Sabi ko at tumingin kay besty.


"Masusunod besty. Huwag kang mag-alala. Napadalhan narin namin ng mensahe si Prinsipe Darius sa mga nangyari at sinabi niyang pupunta siya dito pag naayos na niya ang dapat ayusin sa palasyo Zatra." Sagot ni besty.


Umatras silang lahat aupang bigyang daan ang gagawin namin ni Adonis. 


"Paumanhin sa inyo, ngunit mas makabubuting pumasok na lamang kayo sa loob ng palasyo dahil hindi namin alam kung sinong fortes ang matatawag namin." Suggestion ni Adonis sa kanila at tumingin silang lahat sa akin.


Tumango ako dahil agree ako sa suggestion ni Adonis. Nag bow silang lahat at pumasok sa loob ng palasyo.


Narito kami sa malawak na kagubatan ng palasyo at agad na nagpalit ng anyo si Adonis at naging si Hugo. Si Hugo ay iyong isa sa mga Zatran na lumaban sa paligsahan na kayang tumawag ng isang batha - este fortes. Fortes daw kasi ang angkop na itawag sa kanila.


"Ngayon na, Paris." Sabi ni Adonis at ipinikit ko ang aking mga mata.


Naramdaman ko ang sobrang lakas ng hangin at narining namin ang malalakas na ungol na mga galit na dragon. Binuka ko ang aking mata at nakita sa itaas ang isang higanteng lalaki na nakasakay sa sobrang laking dragon. May kasama rin siyang dalawa pang dragon sa each side niya at dumaosdos sila ng lipad papunta sa aming pwesto ni Adonis.

ENCA MAJiCA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon