ZATRA 24 -

2.3K 188 16
                                    

Inabot ni Francess ang kamay ko at nang magdikit ang mga palad namin ay bigla nalang nagliwanag ng sobra sobra ang paligid kaya napapikit ako at ginamit ang isa kong kamay upang takpan ang aking mukha.


Nang maramdaman kong nawala na ang liwanag ay binuka ko ang aking mga mata at nagulat nang biglang nawala sa Francess.


"Francess?" Tawag ko at umikot upang siya'y hanapin sa arena ngunit natumba ako dahil sa sobrang bigat ng likod ko. 


"Oh my gosh! Anong ibig sabihin nito?" Tanong ko sa sarili habang nakatingin sa aking mga likod. "Pakpak?"


Gulat na gulat akong nakatingin sa aking likod. Malaking pakpak na kagayang kagaya kay Francess.


"A-Anong nangyayari?"


Hinawakan ko ang pakpak na nasa likuran ko at nagulat akong muli dahil ang mga kuko ay humaba na kulay gold. Again, kagaya pa rin ito ng  mga kuko ni Francess.


Tiningnan kong mabuti ang mga kuko ko at ngayon ko lang napagtanto na hindi siya ordinaryong kuko. Bukod sa gold na kulay ay kumikinang ito dahil sa sobrang tulis na parang animo'y metal. Ma ko-compare ko siya kay Wolverine pero ang pinagka-iba lang ay gold ang kulay nito at nasa kuko ko siya. At hindi siya ganoon kahaba na kagaya ng kay Wolverine, 'Yung sakto lang ang haba niya para sa kuko.


"Francess?!" Tawag kong muli kay Francess but for one reason or another hindi siya sumasagot. Ni hindi ko nga alam kung nasaan siya.


Sinubukan kong tumayo  and believe me or not para kang may suot suot na habagat bagpack na may lamang naglalakihang mga bato dahil sa sobrang bigat nito.


"Ngayon, na fe-feel ko na kung anong ibig sabihin ni Francess ng mabigat dahil nakapabigat niyang talaga." Sabi ko sa sarili ko.


"Wait. Kung may pakpak ako at mahahabang mga kuko..." Sabi ko sa isip ko at hinawakan ang itaas ng aking ulo. "Oh gosh! Akala ko may sungay ako!" Sabi ko at nakahinga ng  maluwag. Tiningnan ko ang likuran ko at nakikita ko ang buntot kong matutulis ang dulo.


So I got everything from Francess except sa matutulis na horns niya. 


Sinubukan kong igalaw ang kanang pakpak ko. At first nag wonder ako noon kung paano kaya nila pinapagalaw ang pakpak nila and now I finally know the answer . May sariling mga buto ang mga pakpak at kasing dali lang siyang pagalawin gaya ng ating mga kamay.


"Pero sandali. Paano ako makakabalik sa dati kong anyo nito?" Tanong kong muli sa sarili ko at umikot ikot sa paligid upang hanapin si Francess. "Magha-hating gabi na, anong gagawin ko nito?" 


Pinaglaho ko ang sarili ko papunta sa dorm namin at nang makarating na ako ay kinatok ko ang pintuan ng kwarto ni Gabriel.


"Besty! Besty! Gising!!" Sigaw ko.


ENCA MAJiCA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon