GIF Source: https://media1.tenor.com/images/5139f18470cbfb779f125b8e1ae6b8a9/tenor.gif?itemid=13578116
●▬๑۩۩๑▬●
Nasa tabi ni Magnus si Paris na hindi makatingin ng deretso sa kanilang katunggali na si Erika kasama ang kanyang katambal na si Olivia.
Mahahalata sa mukha ng ating Haring si Paris na natatakot itong tumingin kay Erika dahil sa isip niya ay baka magaya ito sa naging katambal ni Bela.
Lumabas sa itaas ng arena ang numerong 5 na nangangahulugang maghanda ang bawat grupo.
5
4
3
2
1
*BUUUGGSSSHH* Tunog ng isang intrumento sa itaas ng arena na hudyat na simulan na ang laban.
Biglang nag-iba ang kulay ng mga mata ng prinsipe Magnus at naging itim ito lahat nangangahulugan naka-aktibo ang kanyang kapangyarihan.
Tumingin si Magnus sa nakayukong si Paris at hinawakan nito ang mukha ng huli upang iangat.
"Wala kang dapat ikatakot." Nakangiting sabi ni Magnus.
Hindi nakita ni Magnus na pasugod na si Erika na may dala-dalang matulis na punyal sa kadahilanang nakatalikod ito.
Masasaksak na sana ni Erika si Magnus sa likuran ngunit nakita ito ni Paris dahil siya ang nakaharap sa pasugod na si Erika.
"Sa likod mo!!!" Sigaw ni Paris at giniya si Magnus sa gilid.
Dahil sa gulat at sa biglaang pangyayari ay mabilis na tinaas ni Paris ang kanyang kanang kamay paharap sa pasugod na si Erika at may lumabas na malakas na hangin mula rito dahilan ng pagtapon ng sobrang lakas ni Erika sa pinakasulok na kalasag ng arena.
Nagulat ang lahat sa kanilang nasaksihan. Si Lucas na nakatingin sa ibaba ng arena ay gulat na gulat din sa pangyayari. Sa isip-isip niya ay hindi ito makapaniwalang pareho sila ng kapangyarihan.
"Akala ko hindi gagana ang kapangyarihan ko dahil sa iyo." Turan ni Paris kay Magnus.
"Gagana ang kapangyarihan mo dahil hindi ko naman ito ginagamit sa iyo." Sagot ng prinsipe.
Dumako ang tingin ni Paris sa itaas kung saan naka-upo si Adonis at nagtama ang kanilang paningin. Ngumiti si Adonis na may kahulugan kay Paris. Nagulat si Paris ng bigla itong nag wangis na siya. Pumikit si Paris at sa pagdilat nito ng kanyang mga mata ay bumalik na sa dating wangis si Adonis.
"Ayos ka lamang ba?" Tanong ng prinsipe kay Paris nang mapansing parang balesa ito.
"H-Ha? Oo, okay lang ako." Sagot nito.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA II
FantasyIsang mundong nakatago ang natuklasan ni Paris Ayala sa Enca Majica. Walang sino man ang nakakalabas-masok sa mundong ito maliban sa mga makapangyarihang nilalang na nakatira sa mundo ng Zatra. Sino ang mga nilalang na nakatira sa mundong ito? Sila...