ZATRA 29 -

2.1K 196 233
                                    

Image not mine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Image not mine. CTTO

Source: https://news.microsoft.com/europe/2018/10/23/meet-the-11-companies-that-will-transform-real-sociedads-anoeta-stadium/


●▬๑۩۩๑▬●



Naka-upo kami ni Magnus sa assign seats namin at nasa gitna na si Ms. Zakura sa modern arena.


"Ngayong lubusan niyo ng nakilala ang inyong katambal ay atin nang sisimulan ang paligsahang ito. Muli akong nagpapa-alala na ito na ang huli ninyong klase at ng inyong napiling katambal. Pagkatapos nito ay malaya na kayong makakalabas sa paaralang ito at mamuhay bilang isang mamamayan ng Zatra. Ang hiling ko lamang sa inyo ay huwag ninyong pwersahing manalo sa paligsahang ito. Kung sa tingin ninyo ay hindi niyo na kaya ay huwag kayong mag-atubiling sumuko. Huwag ninyong ibuwis ang inyong buhay para lamang sa isang kahilingan. Naway pagpalain kayo ng ating mga ninuno." Mahabang litanya ni Ms. Zakura at pinahiran ang kanyang tumutulong mga luha.


"Ngayon, oras na upang tayo ay magsimula." Huling sabi ni Ms. Zakura at biglang may lumabas na dalawang number 0 sa itaas. Nasa left and right side.


"Oh gosh! ito na nga!" Ang sabi ko habang kinikiskis ang mga kamay ko sa aking mga hita dahil sa kabang hindi ko maipaliwanag. Para akong natatae na ewan!


Lahat kami nakatingin sa itaas at ang number 0 na nasa left side ay biglang nag change into 7 at ang nasa right side na number ay biglang nag change into 18.


Halos mabilaukan ako ng sarili kong laway nang lumabas ang number 18.


"Oh gosh! Isang galaw nalang nun ay 19 na!" Nasabi ko sa sarili ko at pinahiran ang aking pawis sa noo gamit ang likod ng kamay ko at huminga ng malalim.


Hinawakan naman ni Magnus ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.


"Huwag mo masyadong isipin ang laban na ito. Basta gagawin ko lahat manalo, pero kapag hindi tayo manalo eh wala namang mawawala, hindi ba?" Tanong niya sa akin.


"Hindi mo kasi naiintidhan, Magnus. Kailangan nating manalo sa laban na ito. Hindi ako papayag na hindi manalo. Ito nalang ang pag-asa kong makabalik sa pamilya ko. Handa akong makipaglaban sa abot ng aking makakaya makabalik lang ako sa asawa't anak ko." Naiiyak na sagot ko kay Magnus.


Halatang nagulat si Magnus sa sinabi ko at napabitaw siya sa pagkakahawak sa aking kamay.


"M-May asawa at anak ka na?" Hindi makapaniwalang tanong niya.


"Oo, ayaw kong magsinungaling sa iyo Magnus. Ayaw ko ring umasa ka sa akin dahil hindi ko masusuklian ang pagkagusto mo sa akin although gusto na rin kita pero hindi pu-pwede." Pag-amin ko sa kanya.


ENCA MAJiCA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon