Picture source above: https://hilarystoddard.com/exploderblog/wp-content/uploads/2017/01/ra.jpg
●▬๑۩۩๑▬●
"YYYAAAAAA!!!" Sigaw ni Francess at nagising sa pagkatulog si Gabriel. Nasa kwarto ito ni Paris at nagbabantay sa may sakit na si Francess habang hinihintay ang kanyang kaibigan. Hindi nito alam na nakikipaglaban ang kanyang besty kasama si Magnus para manalo sa puno ng kahilingan.
"Francess? Anong nangyayari sa iyo?!" Pasigaw na tanong ni Gabriel habang pinagmamasdan si Francess na namimilipit sa sakit sa kama.
Pabalik balik si Gabriel sa kanyang lakad sa kwarto ni Paris.
"Besty! Nasaan ka na ba?! Bakit ang tagal mo?!" Tanong ni Gabriel at lumabas sa veranda ni Paris. Tumingin ito sa labas ngunit halos kunti na lamang ang estuydante na naroroon.
"YYYAAAAA!!" Sigaw'ng muli ni Frances at tumakbo papasok si Gabriel.
Hahawakan na sana ni Gabriel si Francess ngunit naalala nito ang tagpong hinawakan niya ito noong nakaraang araw.
"Francess, anong nangyayari?!!" Pasigaw na tanong ni Gabriel dahil para itong sinasapian sa mga galaw nito.
Nagising si Francess na nakahawak sa kanyang leeg.
"Master!!" Sigaw nito at lumipad at hinanap si Paris at bumalik muli sa kwarto nang hindi niya ito nakita.
"Nasaan si master?" Tanong niya kay Gabriel at nagulat si Gabriel dahil naririnig niya ang boses ni Francess at pinili siya nitong kausapin. Naalala niya ang sinabi ni Paris na hindi basta basta nakikipag-usap ang enca sa kanilang mundo at hindi nila ito pu-pwedeng diktahan kung sino ang kakausapin nila.
"H-Hindi ko alam, kanina ko pa rin siya hinihintay, hindi pa siya bumabalik." Sagot ni Gabriel.
"Nasa panganib ang master ko! Kailangan ko siyang iligtas!" Sigaw ni Francess at pumikit at pinakiramdaman ang katawan ng kanyang master.
Dinilat ni Francess ang kanyang mga mata at tumingin kay Gabriel. "Nararamdaman ko na siya, kailangan ko nang umalis." Sabi nito at tumakbo palabas ng veranda at binuka ang kanyang malalapad na mga pakpak at lumipad papunta sa arena.
Nang marating ni Francess ang arena ay hindi siya kaagad nakapasok dito dahil sa may harang.
"YYYAAAA!!" Dinig na sigaw ni Francess sa loob.
"MASTER?? MASTER!!!" Sigaw nito at naghanap ng mapapasukan ngunit wala siyang mahanap na lagusan papasok.
Pumikit ito at inisip na maglaho papasok at nagulat ito ng nagawa niyang makapaglaho papasok.
"Nagawa ko!" Masayang sabi ni Francess ngunit naramdaman nito ang kunting pagkahilo. Hindi nito kayang makapaglaho ng wala ang kanyang tagapangalaga kaya halos nagamit nito ang kanyang buong lakas.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA II
FantasíaIsang mundong nakatago ang natuklasan ni Paris Ayala sa Enca Majica. Walang sino man ang nakakalabas-masok sa mundong ito maliban sa mga makapangyarihang nilalang na nakatira sa mundo ng Zatra. Sino ang mga nilalang na nakatira sa mundong ito? Sila...