ZATRA 42 -

2.7K 193 97
                                    

Source: https://www

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Source: https://www.zerochan.net/1495776 

●▬๑۩۩๑▬●


Naradaman ko ang pagalaw ng kamang hinihigaan ko kaya dinilat ko ang aking mga mata.


"Besty?" Tinig ni Gabriel ang una kong narinig at bigla ko na lamang naalala ang mga nangyari kanina kaya napabangon ako bigla.


"Si Kirkus? Si Kariza? Nasaan sila?!!" Pasigaw na tanong ko at nakita ko ang mga kaibigan namin na nakatayo sa harapan ng kama namin ni Kirkus.


"Sinusubukan na silang hanapin ni Gurong Mahata, Paris. Nasa silid pulungan sila kasama ng aming Inang Reyna Velgara, Haring Lai at si Reyna Hara." Sagot ni Gana.


"Sa tingin ko ay isa iyong Fortes basi sa tangkad nito." Si Adonis kaya napatingin kaming lahat sa dako niya. Nakatayo ito sa bintana at nakatingin sa labas. Humarap ito sa amin ng naka nakapamulsa.


"Fortes?" Patanong na sabi ni Gano.


"Bakit naman siya kukunin ng isang bathaluman? Anong kinalaman ng Kirkus ko sa kanila?! At ang aming anak! Anong kailangan nila?!" Naiiyak na sigaw ko at umupo si Gana sa tabi ko at niyakap ako. Hinaplos haplos din naman ni besty ang likuran ko.


"Pagod na pagod na pagod na ako!!" Hagulgol ko habang nakayakap kay Gana. "Hindi na natatapos ang problemang ito. Akala ko okay na lahat. Katatapos lang ng problema namin nila Travis, may panibago na naman? Ano pang susunod nito?! ANO!!" Sigaw ko at halos hindi na ako makahinga dahil sa naiipon na ang sipon ko sa ilong ko.


"Hindi ko alam kung ano ang motibo sa pagkuha ng Fortes na iyon sa asawa't anak mo. Ngunit alam kung hindi nila ito sasaktan dahil hindi naman nila ito kukunin kung wala silang kailangan." Si Adonis na nakaharap na sa akin.


"Bakit ba nangyayari sa akin ang lahat ng ito? Normal lang naman ang buhay ko noong nasa mundo ng mga tao pa ako. Sana ay hindi na lamang ako pumunta rito. Sana ay nanatili na lamang ako sa mundo ko. Hindi ko sana nararanasan ang lahat ng ito." Nakayukong sabi ko sa kanilang lahat.


Hinawakan ni Gana ang pisnge ko at pinaharap sa kanilang lahat. "Shh, huwag mong sabihin iyan. Kung hindi mo piniling mag-aral dito, hindi mo kami makikilalang mga kaibigan mo. Kung pinili mong manatili sa iyong mundo ay hindi ka mamahalin ni Kirkus ng ganito at hindi mabubuo si Kariza." Naiiyak na sabi ni Gana kaya napatingin ako isa isa sa kanila.

ENCA MAJiCA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon