Isang taon na ang nagdaan ng biglang nagbago ang aking pamumuhay. Unlike before, I'm just a simple Paris Ayala living in a human world. But when I reach my 20th birthday, that's where my life started to twist.
Mga maji, enca, navalak, mga dragon, at mga sirena, ilan lamang 'yan sa aking mga nakasalamuha. At ngayon, may panibago na naman.
Hindi ko lubusang maisip na hahantong sa ganito ang lahat. Na hahantong ako sa ganito. I'm here; alone. Madilim, masikip at mainit. Wala akong mahingan ng tulong. May isang matulis na bagay na naririto na pu-pwede ko ng gamitin sa pagpapakamatay ngunit hindi pwede. Hindi pu-pwede!
Bakit?
Nais ko pang masilayan at mayakap ang aking anak. Ang aming anak ni Kirkus. I want to embrace my baby girl so much. Pero hindi ko alam kung papaano.
Narito ako't naka-kadena ang kanang paa upang hindi makapaglaho. Kanila ding ninakaw ang aking enca na si Francess. Sana'y nasa mabuti siyang kalagayan. Hindi ko alam ang aking gagawin kung mawawala ang aking tagapagbantay.
"Hindi sa ganitong paraan magtatapos ang lahat. Hindi ako papayag!" Determinadong sabi ko sa aking sarili.
🆁🅰🅵🅸🅲🆃🅸🅾🅽🆂
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA II
FantasíaIsang mundong nakatago ang natuklasan ni Paris Ayala sa Enca Majica. Walang sino man ang nakakalabas-masok sa mundong ito maliban sa mga makapangyarihang nilalang na nakatira sa mundo ng Zatra. Sino ang mga nilalang na nakatira sa mundong ito? Sila...