ZATRA 40 -

2.1K 205 79
                                    

PS: Dito ko na lang muna isusulat ang Author's note ko. Para mabasa ninyo. Marami kasi hindi nagbabasa ng author's note sa pinaka-ibaba. (Me sometimes. LOL) But I just want to say na please vote every chapters. Bumaba kasi ranking ng Enca Majica II. Hehe. 'Yun lang naman. Happy 50K READS mga maji!

 Happy 50K READS mga maji!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

GIF Source: https://www.chickensmoothie.com/Forum/viewtopic.php?t=1886254


●▬๑۩۩๑▬●



Nasa tapat na kami ng mataas na gate ng palasyong Zara. And when I say mataas, sobrang taas niya talaga. Feeling ko umiba ang aura ng palasyong Zara dahil hindi naman ganito ito noong dinukot kami ni Kariza papunta rito.


"Papaano tayo makakapasok sa loob?" Tanong ni besty habang nakatingin sa mataas na black gate ng palasyo.


"Susubukan kong maglaho papasok sa loob Haring Paris, Haring Kirkus kung inyong pahihintulutan." Wika ni Halena sa aming dalawa ni Kirkus.


Tumango lamang ako bilang sagot.


"Mag-iingat ka Halena. Hindi maganda ang aking kutob sa lugar na ito. Sa tingin ko'y may patibong na sasalubong sa iyo sa loob dahil imposibleng iiwan nilang walang bantay ang daanang pintuang ito." Wika ni Kirkus.


Tumango si Halena at humarap sa malaking gate at inihanda ang sarli para maglaho.


May itim na usok ang lumabas sa mga paa ni Halena. Kasabay ng paglaho ng usok ang kanyang paglaho.


Nagulat kaming lahat nang..


"KYYYAAAA!!!" Sigaw ni Halena at tumilapon sa lupa.


"HALENA!!" Sigaw ko at lumapit kaming lahat sa kanya. "Oh gosh!" Nasabi ko nang nakitang napaso ang kanyang katawan.


"Ayos ka lamang ba?" Pag-aalalang tanong ni Kirkus.


"A-ayos lamang ako m-mahal na Hari." Sagot na Halena at sinusubukang tumayo ngunit natutumba ito.


"Huwag ka munang tumayo." Nasabi ko at umupo at giniya ang kanyang ulo sa aking mga hita. "Sana pala ay nagdala tayo ng kahit isa man lang gama." Na suggest ko sa kanila.


"Sandali.." Si Kirkus at nilagay ang kanyang hintuturo sa kanyang ilong as a sign of silence kaya tumahimik kaming lahat.


"Hishte!!" Padabog na sigaw ni Kirkus at itinaas ang kanyang kanang kamay at nagkaroon ng fire shield na parang iglo ang style sa aming lahat at isa isang tumama ang mga pana roon na galing sa itaas. Sa bawat pagtama ng mga pana sa shield ay automatic na nasusunog ang mga panang ito dahil sa init.


Isa isang lumalabas ang maraming mga kawal sa aming harapan at pinalibutan kami. Feeling ko nasa mga 100's silang lahat. Binuka nila ang kanilang mga bibig at may lumalabas na itim na usok roon at ang usok ay bumaba sa lupa at naging isang mababangis na mga lobo.


ENCA MAJiCA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon