ZATRA 15 -

2.3K 220 31
                                    

"Hanggang dito na lamang kita maihahatid, Paris. Magkikita tayong muli mamaya sa agahan." Sabi ni Ms. Zakura at tanging tango na lamang ang aking naisagot sa kanya.


Nandito ako ngayon sa first floor ng building at nakaharap sa pintong may number 13.


Kung ikukumpara ang  Zatracadèmia sa Enca Majica ay mas modern ang  Zatracadèmia. Ang mga rooms nila dito ay para siyang condo style dahil for sure ang number 1 sa room 13 ay 1st floor at ang number 3 ay ang ikatlong kwarto dahil nasa harapan ako ngayon ng ikatong pinto. Sa tingin ko nasa 10th floor ang dorm na ito.


Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa brown na pinto. Sana lang ay hindi magaspang ang ugali nang Gabriel na tinutukoy ni Ms. Zakura dahil kung hindi aabohin ko talaga siya. Choss lang! Wala talaga akong power! Gaya gaya lang tong kapangyarihan ko. Masyado kasi akong inggetera kaya ako nanggagaya. Hihi.


Tinaas ko na ang kamay ko at kumatok ng tatlong beses.


Kusang bumukas ng dahan dahan ang pinto at pinasok ko ang ulo ko upang makita ang loob ng silid.


Wala akong makita na nilalang kaya tuluyan na akong pumasok.


Tumambad sa akin ang isang bilog na lamesa sa gitna na may flower vase. Sa gilid naman ay may dalawang pinto na color black na sa tingin ko ay ang kwarto.


"G-Gabriel.." Nag-aalalang tawag ko sa pangalan niya. Bahala na kung anong isipan niya, na kung feeling close ako or something. Pero baka naman pwede niyang sabihin sa akin kung anong room ako dahil baka mali pa ang room na mapapasukan ko at makita ko pa siyang naglalaro ng jackstone. Hihi.


Dahan-dahang bumubukas ang right door at unti-unting napapataas ako ng kanang kilay habang lumalabas siya sa loob ng kanyang silid.


"M-Magandang umaga." Mahinhin niyang sabi habang naka yuko.


"B-B-Bakla ka?" Tanong ko sa kanya dahil may suot suot siyang bulaklak sa kanyang tainga.


"Paumanhin, ngunit hindi kita maunawaan." sabi niya sa mahinhing boses habang nakayuko pa rin.


"I mean, lalaki ka ngunit may puso kang babae? Tama?" Tanong kong muli at dahan dahan siyang tumango.


Nanlaki ang mga mata ko at dahil sa tuwa ay tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya.


"FRIENDDD!!!!" Masayang sabi ko. "Oh my gosh! Magkakasundo tayo! Akala ko pa naman kung anong Gabriel na ang makakasama ko! My gosh!" Sabi ko at humiwalay sa pagyakap sa kanya.


"H-Hindi kita maunawaan, paumanhin." Sabi niya sa akin.


"Ang sabi ko ay pareha lang tayo. Bakla rin ako. Baklang bakla! Haha! Ang ibig sabihin ng bakla sa mundo namin ay 'yung mga lalaki na may pusong babae."


Napataas siya ng kanyang mukha at tumingin sa akin. "K-Kung gano'y katulad ka rin gaya ko?" Tanong niya at nakangiti akong tumango sa kanya.


"May sakit ka rin?" Tanong niya at napakunot ako ng aking noo.


"Anong ibig mong sabihing may sakit ako?" Tanong ko at umupo sa upan na nasa may round table.


"Ang sabi kasi nila ay hindi normal ang ugali kong ito. Kaya walang may gustong makipag kaibigan sa akin dahil sa may ugali akong babae. At baka mahawa pa sila." nakayuko niyang sabi.


Napayukom ako ng aking mga kamaong nakapatong sa lamesa.


"Hindi 'yan sakit Gabriel. Normal lang 'yan sinasabi ko sayo. Hindi mo kasalanan ang pagiging ganyan mo. Kung sino man ang magsabi sayo ng ganyan ay sabihin mo sa akin at tuturuan natin sila ng leksyon." Sabi ko at tumayo at lumapit sa kanya. "Ipagmalaki mo ang pagiging ganyan mo, ang pagiging ganito natin. Dahil alam mo ba sa mundong kinalakihan ko ay mas angat sa buhay ang mga bakla dahil masisipag sila at madiskarte sa buhay. At kung sino pa iyong tinataboy ay sila pa 'yung nandiyan sa bandang huli. Ganito ka, ganito ako. Kaya dapat ipagmalaki natin ito." Sabi ko at narinig kong humikbi si Gabriel at nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.


ENCA MAJiCA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon