𝓕𝓻𝓪𝓷𝓬𝓮𝓼𝓼
●▬▬▬▬▬๑۩۩๑▬▬▬▬▬●
"F-Francess?"
Gulat na sabi ko habang naka tingin kay Francess. Ibang-iba ang kanyang itsura. Naging gold ang kanyang buhok at may black gold na mga sungay. May mahahaba din siyang mga kuku na kulay gold din at mahahabang mga tainga. Ang nakatawag ng pansin sa akin ay ang kanyang mga bagong pakpak at ang pagkakaroon niya ng buntot na sobrang tulis sa dulo. Kung noon ay color pink ang pakpak niya, ngayon ay pinaghalong black at gold na may matutulis na kawit sa itaas. Bago na rin ang kanyang itsura dahil kung before ay sobrang cute niyang bata, ngayon ay para na siyang dalaga tingnan. Tumaas at lumaki rin siya na kasing taas ng isang 12-inches na ruler.
Tumingin si Francess sa akin at naging maaliwalas ang kanyang mukha. Sobrang amo ng kanyang mga matang nakatingin sa akin.
"Sorry master, nasa pupa stage lang ako kaya kahit anong tawag mo sa akin noon ay hindi ako lumalabas. Although naririnig kita ngunit sobrang bigat talaga ng aking katawan kaya hindi ko magawang makalabas." Nakangiting sabi ni Francess sa akin.
Unlike before ay hindi bumubuka ang kanyang mga bibig, ngayon ay bumubuka na ito kapag nagsasalita.
Tumingin si Francess kay Artemis at nagbago ang expression ng kanyang mukha. Masamang-masama siyang nakatingin kay Artemis.
Sobrang bilis nang pangyayaring nakahandusay na si Artemis sa carpeted floor. Bigla kasing lumipad ng sobrang bilis si Francess patungo kay Artemis at tinusok ang leeg ng huli gamit ang kanyang buntot.
"F-Francess? A-Anong ginawa mo?" Natatakot na tanong ko.
Tumingin si Francess sa akin at naging maamong muli ang kanyang mukha at nag smile sa akin.
"Don't worry master, napapangitan kasi ako sa kanya kaya pinatulog ko lang siya. Magigising din siya maya maya." Sabi niya at lumipad paibaba at umikot ikot sa akin paitaas. May usok na lumalabas na color black gold habang siya ay umikot-ikot sa akin at biglang nawala ang putik na inaapakan ko at bumalik ito sa dati.
Pumatong si Francess sa aking balikat at umupo.
"I missed you master!" Masayang sabi niya at hinalikan ang pisnge ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko dahil lahat ng mga kaklase ko nakatingin sa aming dalawa ni Francess.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA II
FantasyIsang mundong nakatago ang natuklasan ni Paris Ayala sa Enca Majica. Walang sino man ang nakakalabas-masok sa mundong ito maliban sa mga makapangyarihang nilalang na nakatira sa mundo ng Zatra. Sino ang mga nilalang na nakatira sa mundong ito? Sila...