ZATRA 22 -

2.3K 197 32
                                    

Happy 3.2K followers mga ka rafictions! Thank you po sa lahat ng nag follow.. Be safe po kayo kahit GCQ na. And don't forget that "Our safety is not our distance from danger. But our safety is our closeness to God" - Brother Eli S.

●▬๑۩۩๑▬●

"Napakaganda ng Enca Majica, Paris!" Masayang sabi ni Keya habang naglalakad kami pabalik sa Zatracadèmia.


"Siyang tunay! Nakakamangha ang inyong mundo!" Sang-ayon naman ni Koppel.


"Sinabi niyo pa! Sabi ko sa inyo eh na mag e-enjoy kayo doon." Sabi ko sa dalawa at tumingin kay Gabriel na kanina pa tahimik. "Besty? May problema ba? Tahimik ka ata?" Tanong ko sa kanya nang mapansing aligaga ang bruha at malalim ang iniisip.


Napatingin naman siya sa amin, "H-Ha? W-Wala besty. May iniisip lang ako. Sana makatulong iyong ginawa ko." Sabi niya na pinagtaka namin.


"Ha? Ano bang ginawa mo?" Tanong ko sa kanya at ngumiti lang siya sa amin.


"Wala! Tara na't pumunta sa Reca!" Excited na sabi ni Gabriel at hinila ako patakbo. Tumakbo naman ang dalawa upang makasunod sa amin.


Maya maya ay narating namin ang Reca na sinasabi ni Gabriel at namangha ako sa dami ng Zatran na naririto. Para siyang maliit na mga souvenir shops na may iba't ibang mga paninda. From necklaces, bracelets, amulets, mga cloack and the likes. May iba't ibang mga foods din na hindi ako pamilyar. Para kang naglalakad sa Boracay Bazaar pero ang kaibahan lang ay ang mga nilalang na nakakasalubong mo ay nakasuot ng cloak or hindi kaya sumbrero na parang isang witch.


"Ito ang Reca, besty. Ito ang pinakasikat na lungsod sa mundo ng Zatra." Sabi ni Gabriel at tumango lamang ako bilang tugon sa sinabi niya.


Napako ang tingin ko sa shop na nagtitinda ng mga iba't ibang klaseng kapa at balabal. May mga pambata rin na mga size at naalala ko si princess Kariza, ang baby namin ni Kirkus.


Pumasok ako sa shop upang tingnan ang kanilang paninda.


"Magandang araw sa inyo mga Zatran!" Masayang bati ng matandang lalaking nagbabantay roon.


"Magandang umaga rin sa inyo ginoo!" Masayang bati rin ni Keya.


"Besty! Punta lang kami roon sa nagbebenta ng pulseras. Huwag ka munang umalis diyan ng hindi pa kami nakababalik." Sabi ni Gabriel at tumango ako sa kanila sabay hila niya sa dalawa palabas ng shop.


"Ahhm, meron po ba kayo na para sa isang sanggol na babae?" Tanong ko sa matanda.


"Aba'y mayroon Zatran! Kalalabas lang nito kahapon. Sandali at aking kukunin." Sabi niya at pumasok sa parang storage ng shop.


Maya-maya ay lumabas na siya na may dala-dalang super cute na red cape na may hood.


Napatakip ako sa bibig ko nang masilayan sa malapitan ang dala-dala niya. Unti-unti na ring namumuo ang aking mga luha.


"Bagay na bagay ito kay Kariza. Kakulay pa nito ang elemento ng kanyang ama." Sabi ko at kinuha ang balabal.


"Aba'y kung apoy ang kapangyarihan ng kanyang ama ay hindi malabong apoy rin ang kapangyarihang mamanahin ng bata." Turan ng matanda kaya napatingin ako sa kanya. Oo nga. Hanggang ngayon hindi ko pa alam kung ano ang kayang gawin ng Kariza namin. Kung kaninong kapangyarihan ba ang namana niya.


"Posible po bang mamana ng bata ang kapangyarihan ng ama ngunit hinid ng ina?" Tanong ko sa matanda.


"Aba'y posibleng posible Zatran. Posible ring mamana ng sanggol ang kapangyarihan ng ina at hindi ng ama. Posible ring mamana ng sanggol ang kapangyarihan ng kanyang mga magulang ngunit may posibilidad din na wala siyang mamana sa dalawa." Sagot niya.


ENCA MAJiCA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon