ZATRA 25 -

2.7K 183 30
                                    

"Nakakapagod." Daing ng lalaki na nagngangalang Craig at hinubad ang suot na sumbrebo. Kararating niya lang galing sa kanyang trabaho.


"Honey! Andito ka na pala. Wait lang at maghahanda muna ako ng makakain natin." Salubong ng kanyang asawa na si Nancy habang bitbit ang kanyang pinatuyong sampayan sa labas.


Si Craig ay nagtatrabaho sa Zatracadèmia at siya ay isang inhinyero na galing sa mundo ng mga tao, silang dalawa ng kanyang asawa.


Tumira sila sa mundo ng mga tao sa loob ng mahabang panahon. Ngunit nang mabuntis ang kanyang asawa na si Nancy ay napagdesisyunan ng mag-asawang bumalik sa kanilang nakamulatang mundo dahil masilan ang pagbubuntis ng babae.


Ang sabi ng mga manggangamot doon sa mundo ng mga tao ay may posibilidad na makunan ang babae dahil sa mahinang mahina ang kapit nang bata sa loob.


Kahit na maganda na ang kanilang pamumuhay roon sa kadahilang isang sikat na inhinyero si Craig sa mga kilalang gusali sa mundo ng mga tao ay iniwan pa rin nila ang kanilang masaganang pamumuhay upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang anak.


Upang maligtas ang kanilang anak ay napagdisisyunan ng mag-asawang bumalik sa mundo ng Zatra upang makahiling sa puno ng kahilingan na pagalingin ang kung ano mang  pinagdada-anan ng asawang babae.


Pumayag ang Haring si Koro na makahiling sila sa puno ng kahilingan ngunit sa isang kondisyon. Kailangan magtrabaho ni Craig para sa Hari habang buhay na walang inaasahang sahod. Labag man sa loob ng mag-asawa ay wala silang nagawa kundi pumayag sa kagustuhan ng Hari.


Si Craig ang nanguna sa pagtayo ng paaralang Zatracadèmia. Upang mapadali ang pag-aaral ng mga estudyanteng papasok doon, ginawa ng huli ang paaralang kagaya ng sa mundo ng mga tao. Mga tirahan nang mag-aaral, mga gusali at ang mga gamit.


"Mamaya na tayo kumain honey, halika muna dito at gusto kong mahawakan ang ating anak sa iyong tiyan."


Nakangiting sabi ni Craig sa kanyang asawa.


Nilagay ni Nancy ang kanilang mga tuyong sinampay sa maliit na mesa at lumapit sa kanyang asawa.


"Baby Travis, excited na si Daddy sa paglabas mo."


Nakangiting sabi ni Craig habang hinahaplos haplos ang tiyan ng kanyang asawa. "Pasensya kana anak ha, maganda sana ang buhay mo sa mundo ng mga tao ngunit mahirap lang sila Mommy at Daddy mo dito eh." Naluluhang sabi ng lalaki.


Niyakap nang babae ang kanyang asawang lalaki at nagmistulang isang opera ang senaryo dahil sa kanilang pag iiyakan.


Nang makabalik sila sa mundo ng Zatra ay naging isang ordinaryong mamayan na lamang sila. Kapwa sila mga Zatran na hamak kong ituring. Mga walang pinag-aralan, walang yaman, at nakatira lamang sa maliit na kubo na nasa gubat malapit sa palasyong Zara.


Binubuo ng tatlong kaharian ang mundo ng Zatra.


ENCA MAJiCA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon