Nagising ako dahil sa masarap na amoy ng pagkain. Nung pagbukas ko ng aking mga mata ay nasa unfamiliar place ako na hindi ko alam kung saan.
Inikot ko ang paningin ko at nalamang nasa loob ako ng maliit na bahay. Yung kisame niya ay gawa sa nipa hut na kagaya ng bahay kubo.
Sinubukan kong bumangon sa matigas na higaan ngunit agad naman akong napahigang muli dahil sa sakit ng tagiliran ko.
Wala na akong suot na damit pang itaas at tanging benda lang na kulay puti na tela ang naka balot sa may tagiliran ko, at sa dalawang braso ko.
"Gising kana pala dayo." Boses ng isang matandang babae kaya napatingin ako sa gilid ng kama.
May dala dala siyang isang mangkok at ang isa niyang kamay ay may dala dalang tungkod na pang suporta niya sa kanyang paglalakad.
"N-Nasan po ako? A-Anong lugar ito?" Tanong ko sa matanda sabay lagay niya ng mangkok sa lamesa na nasa gilid ng kama.
"Ito ay ang mundo ng Zatra. Pakiwari ko'y hindi ka taga dito dahil nang dinala ka ng apo ko ay iba ang iyong kasuotan." Sagot ni lola sa aking tanong.
"Ngayon ko lamang nadinig ang lugar na ito. Hindi ko alam na may ganitong lugar pala sa Enca Majica." Sabi ko kay lola at nakita kong napakunot ang kanyang noo sa aking sinabi.
"Enca Majica?" Patanong na sabi niya sa akin.
"Doon ako na—"
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng may nadinig kaming sigaw papasok sa kubo.
"Lola!!" Dinig kong sigaw ng lalaki at nagkatinginan kami ng mata sa mata.
Napalunok ako ng laway dahil sa kagwapuhan ni kuya. Gosh! Paris! May asawa't anak kana kaya umayos ka!
"Tingnan niyo ang aking nahuli sa pangangaso!" Nakangiti niyang sabi at itinaas ang dalawang kuneho. Nakahawak siya sa tainga ng mga rabbit.
"Nakaka-awa naman ang mga kunehong 'yan." Nasabi ko habang nakatingin sa brown na rabbit na kanyang bitbit.
"Gising kana pala dayo. Kumusta na ang iyong pakiramdam?" Tanong ng gwapong lalaki sa akin sabay lapit sa kanyang lola. "Narito lola, kayo na ang bahala rito." Dagdag niya at binigay ang dalawang kuneho sa kanyang lola at tinanggap naman ito ng huli.
"Ikaw na muna ang magpakain sa dayo at para malinis ko ito." Sabi ni lola at lumakad palabas ng kwarto habang naka tungkod.
Umupo ang lalaki sa tabi ko at kinuha ang mangkok na nakapatong sa lamesa.
"A-Ako na, kaya ko naman na ata." Sabi ko sa kanya at sinubukan muling tumayo pero sobrang sakit talaga ng tagiliran ko kaya napahiga ako.
"Huwag ka nang pasaway dayo. Hindi mo pa kaya." Sabi niya kaya napatigil ako.
"Tss. Suplado." Nasabi ko sabay buka ng bibig ko para higupin ang sabaw sa kutsara na inaabot niya.
"Saan ka galing at sino ka? Nakita kitang bumagsak galing sa itaas." Tanong niya habang hinihipan ang sabaw sa kutsara para lumamig.
"Tumakas ako sa palasyo nila Travis, pero kailangan ko rin bumalik doon upang kunin ang aking anak."
Napatigil siya't tumayo at lumayo sa akin.
"K-Kung g-ganon isa kang bihag ng palasyong Zara?" Parang natatakot na tanong niya.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA II
FantasyIsang mundong nakatago ang natuklasan ni Paris Ayala sa Enca Majica. Walang sino man ang nakakalabas-masok sa mundong ito maliban sa mga makapangyarihang nilalang na nakatira sa mundo ng Zatra. Sino ang mga nilalang na nakatira sa mundong ito? Sila...