ZATRA 34 -

2.2K 200 104
                                    

๑ 𝒦𝒾𝓇𝓀𝓊𝓈 ๑

Pumasok ako sa silid pulungan ng palasyo at nakita si gurong Mahata at ang aking kakambal na si Darius doon. Agad namang tumayo ang dalawa sa kanilang upuan at itinapat ni gurong Mahata ang kanyang kamay sa kanang bahagi ng kanyang dibdib at yumuko.


Naglakad naman si Darius papunta sa aking likuran at ako naman ay umupo.


"Handa na ba ang lahat, guro?" Tanong ko kay gurong Mahata.


"Handa na, mahal na Hari. Kailangan ko lang ng isang bagay na pagmamay-ari ni Haring Paris upang madala tayo nito sa kanyang kinaroroonan." Sagot ng guro.


Napahawak ako sa aking dibdib at naramdaman ang kwentas na ibinigay ng mahal ko noong una niyang pagpunta rito.


Kinuha ko ito sa ilalim ng aking suot na damit at hinubad sa aking leeg.


Ibinigay ko ang kwentas ni Paris na may palawit na letrang P at tinanggap naman ito ng guro.


"Mahal na Hari, upang makapunta tayo sa kinaroroonan ni Haring Paris ay kailangan nitong masira upang magkaroon ng isang portal na maghahatid sa atin papunta sa kinaroroonan niya. Ayos lang ba ito sa iyo?" Tanong ng guro at tumango lamang ako.


"Wala na akong mapagpipilian pa gurong Mahata. Mahalaga sa akin ang kwentas na iyan ngunit mas mahalaga sa akin ang nagbigay niyan. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung mayroon mang mangyaring masama sa inyong Haring Paris." Sagot ko dito at tumango lamang ang guro bilang pagsang- ayon.


"Kung ngayoy sisimulan ko na ang ritwal, mahal na Hari." Si gurong Mahata at naglakad palayo sa lamesa.


Sumunod kami ni Darius kay guro at tumayo sa kanyang gilid.


Itinaas ni gurong Mahata ang kanyang kamay ng tuwid at ibunuka ang mga palad. Nandoon ang kwentas ni Paris sa palad nito.


"Ekse omnes potesta mata. Adi ego dio. Accepta muneris soy comma porta" Turan ng guro sa ibang lingwahi habang nakapikit ang mga mata.


"Ekse omnes potesta mata. Adi ego dio. Accepta muneris soy comma porta" Pag-ulit nito at dahan-dahang lumulutang ang kwentas ni Paris.


"Ekse omnes potesta mata. Adi ego dio. Accepta muneris soy comma porta" Huling sabi nito at biglang ibinuka ang kanyang mga mata.


Nagliwanag ang mga mata ni guro at ang liwanag na lumalabas sa kanyang mga mata ay tumama sa kwentas ni Paris.


Unti-unting nagliliwanag ang kwentas ng mahal kong maji at ang liwanag ay palaki ng palaki na parang isang portal. Nawala ang kwentas ni Paris at nasa harapan namin ngayon ang isang portal na kasing-laki ng pintuan. Bigla namang nawala ang liwanag sa mga mata ng guro.


"Kamangha-mangha." Komento ni Darius habang nakatingin sa isang puting portal. "Sa portal bang ito matatagpuan natin si Paris?" Tanong ni Darius.


"Siyang tunay, prinsipe Darius." Sagot ng guro.


Bigla naman akong kinabahan at parang hindi mapakali.


"May problema ba Kirkus? Parang hindi ka masayang magkikita na kayo ng tunay na Paris?" Tanong ng kakambal ko sa akin.


Tumingin ako sa dako nito at sumagot. "Hindi ko alam ngunit kinakabahan ako. Parang ayaw kong tumuloy." Buong katutuhanang sagot ko.


ENCA MAJiCA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon