ZATRA 41 -

2.1K 176 38
                                    

I know sobrang tagal ng update kong ito. Sobrang busy talaga ako sa work at sumabay pa ang Baby Oli ko na nagkasakit. Hindi ako makatulog ng maayos because I needed to nurse him kasi nagsusuka at may diarrhea. Maiiyak nga ako kapag pumapasok ako sa work kasi wala siyang kasama sa apartment ko. Siya talaga ang dahilan ng pagiging busy ko from the past few days aside from work. But he is no longer sick now at nakikipaglaro na rin siya sa akin. Here's his latest picture taken last Saturday. Galing siya nito sa tusok kaya medyo malungkot mukha. Basa na rin ilong sa kakapunas ko dahil sa luha niya. So thank you guys so much for patiently waiting sa update ko.

 So thank you guys so much for patiently waiting sa update ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Source: My phone. Personally own image.

●▬๑۩۩๑▬●


Hindi ako makapaniwalang si Adonis ang nasa harapan ko. Last ko siyang nakita is noong nasa nakaraan ako kasama si Magnus na lumalaban upang manalo sa puno ng kahilingan. But for pete's sake that was over 2 decades ago dahil nga nasa past ako noon. At ngayong nasa kasalukuyan na ako ay hindi man lang nagbago ang kanyang itsura. Medyo nag matured lang siya ng kunti dahil sa balbas niya sa gilid ng kanyang pisnge . Kung ako ang tatanungin ay parang nasa 25 plus lang siya kung tingnan.


"I-ikaw ba talaga iyan?" Tanong ni Adonis sa akin.


"Ako nga. Anong nangyayari? Bakit hindi ka man lang tumanda?" Tanong ko sa kanya at binalik niya lang ang tanong sa akin.


"Maging ikaw ay hindi tumanda. Parehong pareho pa rin ang iyong wangis at itsura." Sagot nito.


"Anong nangyayari dito?! Adonis hulihin mo ang mapanghimasok na iyan!" Galit na sigaw ni Travis sabay turo sa akin.


"Tumahimik ka! Hindi ko siya kakalabanin!" Sigaw ni Adonis kay Travis na kinagulat ng huli.


"Lapastangan! Mga kawal!" Sigaw ni Travis at sabay nagsidatingan ang mga kawal.


Biglang nag-iba ng wangis si Travis at naging si Vinara kaya lahat ng pasugod na kawal ay hindi makagalaw. Maging si Travis ay hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan.


"Ano ang iyong ginagawa dito Paris?" Tanong ni Adonis sa anyo ni Vinara.


"Nandito ako upang iligtas ang Ina ng aking asawa at Lola ng aking anak." Sagot ko at tiningnan si Inang Kariza na nanghihina na.


Napatingin si Adonis kay Inang Kariza at bakas sa kanyang mukha na hindi siya makapaniwala.


ENCA MAJiCA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon