Patakbo kong hinanap ang klase ko ngayong araw dahil late na kasi akong nagising. Hindi man lang ako ginising ni Gabriel at feeling ko late na late na ako dahil matindi na ang sikat ng araw.
Medyo late na rin kasi kami nakatulog ni Gabriel kagabi dahil maghapon niya akong sinamahan mamili ng mga gamit at damit ko. Naubos nga ang binigay na mga ginto't pilak ng academy sa akin na pang allowance sa isang buwan. Hindi rin naman kasi pu-pwedeng habang buhay nalang akong humiram ng damit kay Gabriel noh. Habang buhay erase, erase. Iniisip ko pa lang na habang buhay na ako makukulong sa nakaraan ay kinikilabutan ako. My gosh!
Tiningnan kong muli ang magical paper kung saan lumilitaw doon ang klase ko ngayong araw habang hindi pa rin tumitigil sa pagtakbo sa may hallway. Mabuti na lang ay kilala ko ang guro.
Vყҽɠσ ~ Gυɾσɳɠ Zαƙυɾα
Good thing nalang talaga aysi Ms. Zakura ang teacher ko ngayon. Akala ko ay hindi siya kasali sa mga magtuturo dahil siya ang principal sa Zatracadèmia. Ano kaya ang subject niya? Hindi ko naman kasi maintindihan ang mga nakasulat dito.
Patakbo akong lumiko sa hallway at sa kasamaang palad ay may nabunggo ako dahilan ng pagtilapon ng pwet ko sa sahig.
"Ouch!" Daing ko sa sakit habang nakahawak sa may beywang ko.
Tumingin ako sa nakabunggo ko at na star struck sa kanyang kagwapuhan.
Nakasuot siya ng polong pula at naka open ang tatlong butones sa itaas. Ash gray ang kulay ng kanyang buhok at ang style ay 'yung mushroom haircut na kanyang tinali sa likod.
Pinulot niya ang magical paper ko na napunta sa harapan niya dahil nabitawan ko ito.
Agad naman akong tumayo at lumapit sa kanya para kunin ang magic paper ko.
"Salama --" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil nagulat ako ng sinunog niya sa harapan ko ang papel.
"Sa susunod na mabunggo mo pa akong muli ay hindi lamang ito ang matitikman mo. Ayaw na ayaw ko sa lahat ay ang tatanga-tanga." Sabi niya at naglakad muli at binunggo ang balikat ko.
Tumalikod naman ako para matingnan siya ngunit nagulat ako nang wala na siya sa paligid.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa nararamdamang kaba. Actually hindi maipag kakailang nakakatakot ang awra niya.
"Sayang, gwapo pa naman. Pero teka," sabi ko habang nakatingin sa abong nasa harapan ko. "Hishte siya! Anong kasalanan ng papel ko at sinunog niya ito?" naiinis na tanong ko sa sarili.
Wala na akong nagawa kung hindi ang magpatuloy ng lakad papunta sa klase ko. Hihingi na lang ako uli ng schedule kay Ms. Zakura.
Nakita ko na ang isang room na may nakasulat na Vყҽɠσ sa itaas ng pinto. Sumilip ako sa glass window at nakitang nagsisimula na ang klase ni Ms. Zakura. Kung ako ang tatanungin para lang talaga akong nag-aaral sa mundo ng mga tao dahil sa desinyo ng mga building at gamit na naririto. Sino kaya ang sinasabi ni Lucas na galing sa mundo ng mga tao ang nagtayo at nag design ng Zatracadèmia. Anway, late na talaga ako.
"Bahala na!" Sabi ko at kumatok sa pinto.
Binuksan ni Ms. Zakura ang pinto at ngumite sa akin.
"Kanina pa kita hinihintay. Ikaw ba ay naligaw?" Tanong ni Ms. Zakura.
Tumango lamang ako at pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA II
FantasyIsang mundong nakatago ang natuklasan ni Paris Ayala sa Enca Majica. Walang sino man ang nakakalabas-masok sa mundong ito maliban sa mga makapangyarihang nilalang na nakatira sa mundo ng Zatra. Sino ang mga nilalang na nakatira sa mundong ito? Sila...