ZATRA 3 -

2.9K 214 13
                                    

| FRANCESS |


May parang hangin ang humihigop sa akin kaya alam kong sa mga oras na ito at sinu-summon ako ng aking master para lumabas sa kanyang palad.


I spread my wings ng makalabas na ako at agad naman akong pumatong sa palad ni master.


"Master!" Masayang bati ko sa kanya at lumipad papatong sa kanyang balikat.


"Napaka-cute namang talaga!" Sabi ng mommy ni master.


"Pakisabi master na thank you po Tita Mommy." Natatawang sabi ko habang nakahawak ang isa 'kong kamay sa pisngi ni master Paris para hindi mahulog.


"Thank you raw po Mommy. Ang tawag niya sa inyo ay Tita Mommy." Natatawang sabi naman ni master.


"Babe, pwede bang hiramin si Francess? Mag se-selfie lang kami sa garden. For sure pag in-upload ko to sa instagram at facebook dudumugin to ng likes." Sabi ng bestfriend ni master na si Pia at nilahad ang kamay sa harap ko.


Sumilip naman ako sa mukha ni master habang nakahawak pa rin ang isa 'kong kamay sa pisngi niya.


"Sige na Francess, sumama kana kay Pia. Mag pose ka ng maganda ha!" Nagbibirong sabi ni master kaya tumayo ako sa kanyang balikat sabay saludo ko ng aking mga kamay.


"Aye aye master!" Sagot ko at lumipad patungo sa nakalahad na kamay ni Pia.


"Kyyaa! Excited na ako!" Tumitiling sabi ni Pia habang nagtatakbo palabas ng palasyo.


Nakaupo naman ako sa kanyang palad at nakahawak sa kanyang hintuturo upang hindi mahulog sa kanyang pagtakbo.


Nakarating kami sa may harden na may iba't ibang mga bulaklak.


"Francess, mag pose ka dito sa yellow na bulaklak." Utos niya at tumango lamang ako sa kanya bilang sagot dahil hindi niya naman nadidinig ang boses ko.


Lumipad ako sa yellow na bulaklak na nasa harapan namin at pumatong ako doon.


Nakita kong may nilabas siya na kung anong bagay at itinapat sa akin na sa pagkaka-alam ko, ito na siguro ang camera.


"Smile!" Naka-smile na sabi niya at nialagay ko ang dalawang kamay ko sa may baba at ngumiti.


"Kyyyaaa!! Ang cute mo talaga Francess!" Sabi ni Pia. "Doon tayo a may table dali." Sabi niya at tumakbo papunta table.


Lumipad ako at sumunod sa kanya papunta sa lamesa na nasa ilalim ng malaking puno.


Pumatong ako sa lamesa at nakita ang isang bote na walang laman at may takip ito.


Kinuha ni Pia ang takip ng bote at tumingin sa akin.


ENCA MAJiCA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon