ZATRA 5 -

2.9K 224 31
                                    

"Manganganak na ang Reyna Kariza!" Pasigaw na takbo ng katulong sa palasyo de Majica.


Tumunog ng sobrang pagkalakas lakas ang trumpeta hudyat na manganganak na ang bagong Reyna ng Enca Majica, si Reyna Kariza.


Si Reyna Kariza ang itinanghal na bagong Reyna sa Palacìo dè Majica matapos pumanaw ang unang reyna na si Reyna Encantara sa digmaan.


Lumitaw ang isang malaking ipo ipo at iniluwa si Haring Inferno kasama ang limang mga kawal.


"Kariza, mahal ko." Sabi niya sa nakahigang Reyna na inaalalayan ng mga babaylan.


"Mahal ko, anong ginagawa ng mga kawal dito?" Tanong ng Reyna sa kanyang asawa.


"Sinama ko sila upang may tumulong sa akin sa pagbabantay sa iyong panganganak." Tarantang sagot ng Hari sa kanyang Reyna.


"Mahal na Hari, mangyaring sa labas ng silid mo na lamang sila pagbantayin." Sabi ng isa sa tatlong babaylan.


Tiningnan ng Haring Inferno ang mga kawal at tumango lamang ito at lumabas agad ng silid ang mga kawal.


"Urrrggh!!! Mukhang lalabas na talaga ang anak natin Inferno!!" Daing sa sakit ni Reyna Kariza at lumapit ang Hari sa kanyang asawa at umupo sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay nito.


Inumpisahan na ng mga babaylan ang kailangan nilang gawin. Babaylan ang tawag sa grupo ng mga kababaehang nagpapa anak sa isang maji. Nakatayo din sa gilid ang mga magagaling na gama upang gamutin at alisin ang sakit ni Reyna Kariza kung matapos ito sa panganganak.


"Uwwaa! Uwwaa!" Iyak ng isang malusog na sanggol na lalaki.


Lumapit agad ang dalawang gama upang gamutin ang Reyna Kariza.


"Narito ang inyong anak, mahal na Reyna." Magiliw na sabi ng pinuno ng mga babaylan na si Nalya at iniabot ang sanggol na ngayo'y nababalot na ng puting tela.


"Inferno. Ang ating anak." Naluluhang sabi ng Reyna Kariza kay Haring Inferno.


"Darius." Masayang sabi ng Haring Inferno at hinawakan ang pisnge ng kasisilang na sanggol.


"Uurrgggg!!!!" Daing muli sa sakit ng Reyna Kariza. "Nalya, mukhang may isa pang lalabas!! AAARRGGGGGHH!!" Sigaw ng Reyna Kariza.


Tarantang kinuha ng isang babaylan ang sanggol na karga karga ni Reyna Kariza sa kanyang dibdib.


"A-Anong nangyayari Nalya?" Pag-aalalalang tanong ng Hari sa pinunong babaylan.


"May isang sanggol pa, mahal na Hari. Kambal ang inyong anak!" Sagot ni Nalya at pumwestong muli sa pagitan ng dalawang hita ni Reyna Kariza.


"AAAARRGGGHHHH!!!!!!" Malakas na sigaw ni Reyna Kariza at lumabas sa pagitan ng kanyang mga hita ang isa pang sanggol na lalaki.

ENCA MAJiCA IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon