Natapos na ang klase ko at nandito ako ngayon sa labas ng veranda at nakatingin sa palubog na araw. Ang ganda niyang tingnan. Parang hindi mo maiisip na may problema ka. 'Yun bang at least kahit sandali makakalimutan mo ang mga problema mo sa buhay. Sana ganito nalang palagi. Ngunit kasama ko ang aking mag-ama. Ibang iba talaga ang mundo dito sa kinalakihan kong mundo ng mga tao.
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Ilang buwan pa ba ako mamamalagi dito? Kailan pa ba gaganapin ang paligsahan? Sometimes, kahit confident akong manalo sa gaganaping paligsahan, hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga what ifs. What if hindi ako manalo? What if may mas malakas pa pala sa akin? What if hindi ko na makita sina Kirkus at Kariza? What if kung ito talaga ang kapalaran ko?
"No! No! Masyado kang nega Paris! Umayos ka! Wala kang choice kung hindi ang manalo sa paligsahang gaganapin. " Nasabi ko sa isip ko at napa-upo sa flooring ng veranda sabay yakap sa mga tuhod ko at binaon ang mukha sa aking mga tuhod.
Naalala ko ang labanan nila Lucas at nung Magnus. At the end, natalo si Lucas dahil magaling sa pakikipaglaban ng pisikalan si Magnus. Sabi ni Gabriel ay noong bata pa si Magnus, sinanay niya na ang sarili niyang makipaglaban ng pisikalan dahil iyun lamang ang paraan niya upang makalaban. I wonder kung kaya ko bang gayahin ang kapangyarihan niya. I mean, kung nagagawa niyang magpawalang bisa ng kapangyarihan sa paligid, hindi malabong magawa niya sa akin 'yun. Pero on the other hand, nakokopya ko naman ang mga powers na nasa paligid ko so kaya kong kopyahin ang power niya. Pero papaano ko nga makokopya ang power niya kung niwawalang bisa niya ang power ko? Hayyysss! Naguguluhan na ako.
"Kirkus. I need you. I miss you so so much." Bulong ko sa sarili ko at humikbi ng mahina. "Kung nandito ka lang alam kong hindi mo ako hahayaang magkaganito." Dagdag kong sabi.
"Besty? Ayos ka lamang ba?" Dinig kong tanong ni Gabriel kaya napa-angat ako ng aking ulo at nakita ang mga kaibigan ko. "Bakit ka umiiyak?" Tanong muli ni Gabriel sa akin sabay luhod at pinunasana ang mga luha ko.
Umiling-iling lang ako bilang sagot sa tanong niya. "Na-miss ko lang ang mag-ama ko."
"Na-miss?" Tanong ni Gabriel.
"I mean, ano bang tagalog ng na-miss? 'Yung parang gusto mo silang makita? 'Yun bang gustong gusto mo na silang makasama?" Sagot ko naman.
"Ibig sabihin nangungulila ka sa kanila." Sabi naman ng besty ko at tumango lang ako dahil 'yun nga ang word na hinahanap ko.
Tumingin si Gabriel kay Keya at sabay tingin muli sa akin. "Hindi ko alam kung magugustuhan mo ang naiisip ko pero baka gusto mong yakapin muna si Keya? Bagama't hindi siya ang talagang totoong mahal mo, ngunit para mo na ring nahawakan ang mahal mo." Suggestion ni Gabriel at napa-angat ako ng tingin kay Keya dahil naka-upo pa rin ako sa flooring ng veranda.
"A-ayos lang ba sa iyo Keya?" Tanong ko at bigla na lamang siyang nag-iba ng anyo sa paningin ko at naging si Kirkus. Ang suot niya ay iyong suot ni Kirkus ng huli ko siyang nakita.
Agad akong tumayo at niyakap si Kirkus kahit na alam kung si Keya ang aking niyayakap. Niyakap niya ako pabalik at napapikit ako dahil katulad na katulad niya talaga ang yakap ni Kirkus. Para talagang si Kirkus ang kayakap ko dahil sa matitipunong mga braso nito.
"Kirkus! I miss so much! Hindi ko na alam ang gagawin ko mahal ko. Pagod na pagod na ako. Pagod na pagod na ako sa mga problemang ito. Kailan ba ito matatapos lahat? Gusto ko ng sumuko. Nahihirapan na talaga ako. Katatapos ko lang sa problem kay Kariza at ito na naman uli. Nalayo na naman ako sa inyo. Tulungan mo ako mahal ko. Parang awa mo na." Hagulhol na sabi ko sa dibdib ni Kirkus.
BINABASA MO ANG
ENCA MAJiCA II
FantasíaIsang mundong nakatago ang natuklasan ni Paris Ayala sa Enca Majica. Walang sino man ang nakakalabas-masok sa mundong ito maliban sa mga makapangyarihang nilalang na nakatira sa mundo ng Zatra. Sino ang mga nilalang na nakatira sa mundong ito? Sila...