I don't even know how I ended up at the Mall of Asia. I guess I just needed an air for a bit. I'm not exactly feeling great these days, but I'm trying to move on. It's just hard to get over Vien. It's been a few weeks, and I still catch myself thinking about her. I just can't figure out what I did wrong, why she didn't choose me.
Hindi ko alam kung masama ba ako dahil iniiwasan ko na siya simula ngayon. Gusto ko na kasi mawala ang nararamdaman ko para sa kanya dahil alam ko naman din na wala na itong kwenta kung patuloy ko siyang gugustuhin.
Hanggang sa napatingin ako sa gilid ko dahil may umupong babae malapit sa tabi ko. Pinag-aralan ko ang kanyang itsura habang napako pa rin ang kanyang mga mata sa ulap. She had this really cute smile. I don't know her, but for a second, I felt a little bit better.
"Hala? Ang ganda ng kalangitan. Ang ganda."
Her words made me look up at the clouds too. And she was right. The sky was a canvas of breathtaking purple, like a spilled pot of grape juice, streaked with soft orange. I couldn't help but smile.
"Amethyst gives a relationship that over time, transcends the carnal union and gives way to deeper connection and a more soulful communion," hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi pero iyon lang talaga ang pagkakaalam ko.
"Paano mo ako nakilala? Stalker ba kita? Siguro matagal mo na akong sinusundan, 'no?" sunod-sunod na tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. "Are you a fortune teller? No, mali. I mean paano mo nalaman ang name ko? Siguro isa ka sa mga kawal namin 'no?"
The fuck? Hindi ko siya maintindihan.
"What the fuck are you saying?" I hissed.
"Language, please?! Ayoko ng mga bad words kaya wag mo nang uulitin 'yan," duro niya sa bibig ko.
"I don't know what you are fucking saying," dahil sa sinabi ko ay malakas niyang hinampas ang gilid ng braso ko. "Hey? What was that for?"
Bukod kay Vien ay siya lang din ang bukod tanging hinampas ako ng malakas! Ano bang meron sa mga babae ngayon? Hilig manakit.
"Hala? Nasaktan ka ba?" gulat na anas niya at sinamaan ko siya ng tingin. "K-Kasi naman ayoko ng mga bad words.
"Mas ayoko sa 'yo."
Nanlaki ang mata niya dahil sa binigay kong sagot. Hindi ko alam bakit ang cute ng mga ibinibigay niyang reaction.
"Mukha ba akong bad words para ayawan mo ako?" she fired back.
Agad na kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "What the fu—"
Agad na naman niyang nilagay ang hintuturo niya sa labi ko. "Hep! I said don't say bad words."
I never thought I'd see Amethyst at the seaside again. I have no idea why she's here, but for some reason, I'm glad she is.
"Good afternoon," nakangiting sabi niya at humigop ng inumin.
My heart was pounding so hard because of her!
"What are you doing here?" kunwari kong tanong.
"Namamasyal," she simply answered.
"Sana naman iniba mo ang sagot mo."
"Pwede ba 'yon?"
"Whatever," muli kong sagot at umiwas ng tingin. "Namamasyal ka pero alam na alam mong nandito ako. Are you stalking me?"
Nanlaki ang mata niya. "Hindi mo ako stalker 'no. Asa ka naman."
I chuckled. "Asa, huh?"
"Oo, umasa ka."
BINABASA MO ANG
Under An Amethyst Sky
Romance"I love purple... Because my name is Amethyst." (I've brought back Yuhence and Amethyst's story and am still editing some parts of this chapter. Actually, I've finished this story already, but I'm just making some slight changes, so wait for the ne...