"Sandali lang naman kung makakatok parang walang bukas!" Sigaw ko dahil may kumakatok sa pintuan ng bahay ko.
Anong oras na bakit may kumakatok pa sa ganitong oras ng gabi? Pero hindi pa naman din ako natutulog dahil nag-aaral ako para sa next topic na sasabihin ni Mr. Rome. Isa pa, kailangan ko rin atang tumungo sa Greece dahil may gaganapin na pagpupulong at kailangan din ako doon. Magbibigay na lang ako ng excuse letter kay Mr. Rome para payagan niya akong lumiban. O siguro bigyan na lang niya ako ng gagawin ko para pagbalik ay maipapasa ko na lang.
Nang pagbukas ko ng pintuan ay iyon na lang ang paglaki ng mata ko dahil sa tatlong lalaki na nandito sa harap ko. Hala? Duguan sila!
"B-Bakit ganyan ang mga itsura ninyo?" Turo ko kay Yuhence, Kaizen at Apollo. "Bakit mga duguan kayo?"
"Pwedeng dito muna kaming tatlo, cous?" Sabi ni Apollo at pumasok na sila sa loob.
Bakit sila rito tumungo sa bahay ko at hindi sa hospital?
"Bakit nga kayo duguan at puro pasa ang mga mukha ninyo?"
"Dugo ito ng kaibigan namin," sabi ni Kaizen at nanlaki ang mata ko.
"What?! What did you do to your friend?! Pinatay ninyo? Tapos dito kayo magtatago?! What if hulihin din ako ng pulis kasi may tinatago akong kriminal?!" Pasinghal kong tanong at natawa si Kaizen.
"N-No, cous... It's not like that. Dinukot kasi ang kaibigan naming babae, at niligtas namin siya pati ang lolo niya. Kaso sinagasaan siya pero ang lolo niya ay namatay na," paliwanag ni Apollo pero agad din napayuko.
"Grabe mag-isip ang pinsan mo, Apollo," sabi ni Kaizen sabay tawa.
Pero nakaramdam ako ng awa para sa babaeng tinutukoy nila. Napatingin ako kay Yuhence na deretsong nakatingin din sa akin ngunit agad din akong nag-iwas.
"Kumain na ba kayo?"
"Hindi pa nga, e," sabi ni Kaizen sabay tawa.
"Kukuha lang ako ng first aid kit at pagkatapos ko kayong gamutan ipagluluto ko kayo," ani ko.
"Do you know how to cook?" tanong sa akin ni Apollo.
"Oo... sa pananatili ko rito sa Maynila ay inaaral kong lutuin ang mga filipino foods."
"Is that so? Yuhence, samahan mo si Amethyst na magluto," baling ni Apollo kay Yuhence.
"Nako, Apollo! I can handle this. Besides, mga sugatan kayo at pagod."
"No it's okay, Amethyst," sabi ni Yuhence. "Hindi naman ako napuruhan kaya I will help you."
"I-Ikaw ang bahala," nauutal na sagot ko at tumungo na sa banyo upang kunin ang first aid kit na nasa likod ng salamin.
Bumalik muli ako sa sala at naabutan ko silang nagk-kwentuhan tungkol sa nangyari kanina sa kanila. Medyo hindi ko nga maintindihan ang sinasabi nila tungkol sa kinekwento nila.
"G-Gagamutin ko muna kayo," pagpuputol ko sa kwentuhan nila.
"Hahaha. Nako Amethyst huwag mo na ako gamutin kasi sisiw lang ang mga pasa ko. Malayo sa paa!" Natatawang sabi ni Kaizen at binatukan siya ni Apollo. "Aray na naman, Apollo!"
"Malayo sa bituka, hindi sa paa."
"Bakit kailangan mamatok?! Kailangan mamatok? Batukan ba 'tong ulo ko?! Batukan ko utak mo, e!" Sigaw ni Kaizen. "Ano ba ang mas malayo? Paa o bituka?!"
"P-Paa?" Sagot ni Apollo at siya naman ang binatukan ni Kaizen. "Kingina naman!"
"Oh, 'di ba?! Ang bobo mo! Alam mo namang pala yung paa ang mas malayo pero binatukan mo ako? Ulol!"
![](https://img.wattpad.com/cover/238739662-288-k493691.jpg)
BINABASA MO ANG
Under An Amethyst Sky
Romance"I love purple... Because my name is Amethyst." (I've brought back Yuhence and Amethyst's story and am still editing some parts of this chapter. Actually, I've finished this story already, but I'm just making some slight changes, so wait for the ne...