Natapos ang trabaho ko kaya agad kong inayos ang mga papel na nagkalat sa lamesa ko. Simula nang dumating si Yuhence dito kanina ay parang mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Dahil siguro sa narinig ko sa kanya, hindi kasi iyon ang ine-expect ko na sasabihin niya sa akin. Akala ko kasi matutuwa siya sa regalo ko pero hindi. Tinawag pa niyang cheap.
Nang matapos akong magligpit ay saglit pa akong natigilan sa mask na itinapon ko sa basurahan. Muli ko iyon kinuha at tinitigan sandali.
"Cheap ka ba talaga o sadyang pangit lang ang taste ng lalaking 'yon? O siguro parte sa pagiging inosente ko ang mag-isip ng ganitong regalo?" mahinang anas ko.
Iyon naman kasi ang pagkakakilala ko sayo kaya ibinabagay ko lang sa pagkatao mo. Magnanakaw.
Hindi ko na muli pang ibinalik sa basurahan ang mask dahil inilagay ko na lang iyon sa bag ko at pinatay na ang ilaw sa opisina. Kung hindi niya gagamitin, itatago ko na lang dahil sayang ang pera na ipinambili ko rito. Tumingin muna ako sa wrist watch ko at ala syete na ng gabi, lumabas na ako sa clinic at dumeretso na sa kotse ko kaunting awang pa lang ang naibubukas ko sa pintuan na bigla iyon ulit sumara. Napatingin ako sa gilid dahil may palad mula roon na siya ang may gawa nang pagkakasarado. Ngunit agad naman niyang hinila ang pulsulan ko upang mapaharap ako sa kanya, padarag pa niyang hinawakan ang balikat ko at bigla akong isinandal sa kotse ko.
"Y-Yuhence? Teka akala ko ba ayaw mo ng mask bakit suot mo 'yan?" ani ko sa lalaking naka-mask na matangkad sa akin at maputi ang pangangatawan.
"Huwag mong subukan manlaban, Miss, dahil baka hindi mo kayang gamutin ang sarili mo kahit doctor ka pa."
Hindi siya si Yuhence. Napababa ako ng tingin sa palad niya dahil may dinukot siya mula sa kanyang likuran. Nanlaki ang mata ko dahil sa bagay na hawak niya, nakakasugat iyon at nasisigurado akong matalas at matalim din.
"A-Anong kailangan mo?"
"Pera."
"H-Ha? Tao lang ako kuya hindi ako ATM machine," kinakabahan na anas ko.
Akma pa akong napapikit dahil sa naramdaman ko ang tulis noon sa bandang tiyan ko. Baka masagutan ako.
"Hindi ako nakikipabiruan."
"H-Hindi rin naman kasi ako nagbibiro dahil hindi naman ako joker."
"Ginagago mo ba ako?"
Umiling ako. "M-Masama 'yon kaya hindi."
"Ang kailangan ko ay pera."
"Ako po ay hindi," muli ko pang sagot.
"Talagang hinahamon mo ako?!" pabulong na sigaw niya.
"K-Kuya, naman kasi? Wala akong pera."
"Imposible? Masyadong maganda ang kotse mo at sa tingin ko ay mayaman ka kaya marami kang pera!"
Nakasuot din kasi siya ng mask kaya paniguradong katulad ito ni Yuhence na magnanakaw din. Baka nga magnanakaw?
"Masama ang magnakaw, kuya," duro ko sa kanya at luminga muna siya sa paligid bago ulit ako tignan.
"Kung hindi mo ibibigay ang pera mo sa akin malilintikan ka talaga ngayon."
"K-Kuya, hindi naman masama ang manghingi kaya pwede mo naman itong hingiin sa akin."
"P-Pinaglololoko mo ba akong babae ka?!" nauubusan na siya ng pasensya dahil sa sagot ko.
Hala, galit na siya! Totoo naman kasi ang sinabi ki bakit siya nagagalit sa akin?
"Kung hindi mo-" hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin na may biglang humawak sa pulsulan niya na nakabalandra sa balikat ko.

BINABASA MO ANG
Under An Amethyst Sky
Romansa"I love purple... Because my name is Amethyst." (I've brought back Yuhence and Amethyst's story and am still editing some parts of this chapter. Actually, I've finished this story already, but I'm just making some slight changes, so wait for the ne...