15

277 11 4
                                    

Nakabalik na kami ni Yuhence sa Maynila kasabay na umalis sila Vivienne at Doc Leander. Medyo na-enjoy ko naman ang pamamalagi namin doon sa Baguio dahil sa pinasyal ako ni Yuhence sa mga tanawin na mapupuntahan doon sa lugar na iyon. Pero sadyang laman pa din ng isip ko ang binitawan niyang kataga mula sa akin. Totoo kaya ang minungkahi niya? Pareho kaming nang nararamdaman pero sadyang hindi ako makapaniwala na sinabi niya sa akin ang salita na iyon na nagpakaba sa akin ng sobra.

"Masyadong masarap pakinggan pero totoo ba ang nararamdaman niya?" tanong ko sa aking sarili.

Nandito ako ngayon sa clinic ko at natapos ko na din i-check ang mga pasyente ko. Sa ngayon ay gusto kong tumungo sa MOA.

"Pupunta na lang ako doon. Wala naman din akong gagawin," ani ko pa at niligpit ang mga papel na nasa aking lamesa.

Nang matapos kong iligpit ay lumabas na ako sa aking opisina at tinignan ang aking dalawang nurse na nag-uusap. Lumapit ako sa kanila upang mapasaakin ang kanilang atensyon. Nang mapatingin sila sa akin ay binigyan ko agad sila na matamis na ngiti.

"You can go now," nakangiting anas ko.

Tumingin si Fiona sa kanyang relo na parang nagtataka.

"3 PM pa lang po ng hapon, Dr. Amethyst."

"Tapos na rin naman ang trabaho ko at wala ng susunod na pasyente kaya pwede na kayong umuwi."

"Ganon po ba? Sige po, Dr. Amethyst," nakangiting sabi ng kasama ni Fiona.

Nang makalabas na ang dalawang nurse ko ay pinatay ko muna ang ilaw ng clinic ko bago ko ikandado iyon. Sumakay na ako sa aking kotse at nilisan ang aking clinic upang tumungo sa lugar kung saan ako tumitingin na ubeng kaulapan. Nang makarating ako sa aking paroroonan ay bumili muna ako ng aking pagkain at inumin. Para habang nakaupo ako ay may kinakain ako dahil hindi ko pa nagagawang kumain kanina.

"Masyado pang sikat ang araw ngunit hindi na gaano mainit. Tama lang para makaupo na ako sa bato, siguro ay maghihintay lang ako ng kaunting oras para tumingin na sa kaulapan," ani ko habang nilalagay ang pagkain ko sa bato.

Pagtapos ay ako na ang sumunod na umakyat sa bato at inusog ang aking pagkain sa aking gilid. Ngumiti ako at sinimulan nang kumain habang nakatingin sa karagatan. Napapapikit ako sa tuwing malamig na hangin ang dumadapo sa aking mukha, masyadong maraming tao ngayon na nandito sa MOA. Ako lang ata ang walang kasama ngayon dito pero hindi naman ako naghahanap.

Hindi nga? Hindi ko hinahanap si Yuhence?

"Bakit napunta kay Yuhence?" nagtatakang tanong ko sa aking sarili.

Habang hinihintay ko ang ubeng kaulapan ay kinuha ko ang aking cellphone pati na din ang aking earphone. Gusto kong malibang ang sarili ko habang naghihintay ako, ayokong mainip.

Bahagya akong tumango-tango sa kantang napapakinggan ko. Bahagya ko din sinasabayan ang kanta ngunit mahina lang ang aking pagbigkas sa lirika.

"Kay gandang kanta," nakangiting sabi ko.

"Parang ikaw."

Gulat akong napatingin sa aking gilid dahil sa boses na aking narinig. Nanlaki ang aking mata dahil hindi ko inaasahan si Yuhence na pumadito sa aking tabi. Ngunit may isa akong tanong sa aking sarili. Paano nalaman ni Yuhence na nandito ako ngayon sa MOA?

"It's rude to stare," nakangisi niyang sabi sabay lingon sa akin. Pero ako naman ang napaiwas ng tingin kaya narinig ko ang matunog niyang pagngisi.

Under An Amethyst Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon