12

243 14 1
                                    

Dumating ang biyernes ay nakahanda na ako sa pag-alis namin ni Yuhence patungo sa Baguio. Sa ngayon ay hinihintay ko pa siya dito sa bahay ko, gabi daw kami aalis at ngayon ay alas-sais na ng gabi at malapit nang mag-alas siyete. Hindi ko na din siya tatawagan dahil alam ko naman din na patungo na siya dito sa bahay ko. Si Apollo naman ay masyadong maraming paalala ang nilalatag sa akin na animo'y para pa akong isang bata na kailangan sundin ang sinasabi niya.

Well, kaya siya ganon dahil alam kong pinoprotektahan niya lang ako o para sa ikakabuti ko. Kaya bakit ko naman hindi susundin? Simpleng paalala lang naman iyon kaya susundin ko na lang ang sinabi niya. Pero sadyang alam kong hindi ko iyon masusunod minsan dahil si Yuhence ang kusang nalapit sa akin na sobrang lapit upang magkadikit na ang mga balat namin. Baka naman maging bastos ako sa kanya kung iwasan ko siya na wala namang dahilan.

"Nasaan na kaya si Yuhence?" mahinang tanong ko habang nakatingin sa aking relo. Alas-siyete na ngunit wala pa din siya. "Hindi na ata kami matutuloy."

Nakakalungkot naman kung hindi kami matutuloy dahil umasa pa naman ako. Umasa ako na mararating ko ang sinasabi niyang lugar, gusto ko talagang puntahan ang Baguio. Bumuga muna ako ng hangin dahil sa bigat na nararamdaman ko. Akma na sana akong tatalikod upang pumanik sa hagdanan na may tumawag sa akin.

"Amethyst?" malambing na pagtawag sa akin ni Yuhence kaya hinarap ko siya.

Nasilayan ko lang ang mukha niya parang biglang sumaya ang aking pakiramdam. Ngumiti ako at lumapit sa kanya at siya naman ay maliit na ngiti lang ang pinakita. Hindi ko iyon nagustuhan dahil parang pekeng ngiti.

"Ang tagal mo naman," nakanguso kong sabi.

"Sorry. Let's go?"

Tinignan ko si Yuhence mula ulo hanggang paa. Sa totoo lang masyadong magulo ang kanyang buhok at gusot pa ang kanyang polo na animo'y parang hinawakan nang mahigpit ng isang tao, bukas ang tatlong butones ng kanyang polo. Bakit parang pagod na pagod siya?

Napahawak si Yuhence sa kanyang leeg at animo'y para iyong minamasahe. Nag-iwas ako ng tingin at nakaramdam ako ulit ako nang mabigat na pakiramdam. Bakit ganito ang itsura ni Yuhence? Hindi naman ganito ang itsura niya kapag tutungo sa bahay ko. Nakakapanibago siya. Sanay naman ako na magulo ang buhok niya dahil minsan ay siya ang gumugulo ng kanyang buhok. Ngunit pati ang kanyang polo ay hindi maayos at sa itsura niya ay para siyang pagod.

"Am, saan ka nanggaling? Bakit parang pagod na pagod ka?" hindi ko na maiwasan ang hindi na magtanong kay Yuhence.

"Nagmamadali kasi ako, Amethyst, kaya ganito ang ayos ko. Don't worry about me, I'm fine."

"But I think... I don't want to go with you. I'll change my mind," pilit ngiting sabi ko.

"But why?"

"I just don't want to go. Tinamad na ako, Yuhence. You need more rest. Pagod na pagod ka."

"No, I'm not. Mukha ba akong pagod?" seryoso niyang tanong

Napaiwas ako ng tingin. "Dahil halata sa itsura mo."

"Mapagod man ako, ikaw naman ang pahinga ko, Amethyst."

Parang kinikiliti ang damdamin ko sa mga binitawan na salita ni Yuhence sa akin, masyadong masarap sa pakiramdam at hindi nakakasawang pakinggan. Gustong-gusto ko na ganon lagi ang sinasabi niya sa harap ko dahil parang doon niya ipinapahiwatig na mahalaga ako sa kanya. Mahalaga nga ba ako?

"Tutuloy pa ba tayo?" tanong ko habang nakayakap si Yuhence sa akin.

"Of course," sagot niya at kumalas sa pagkakayakap.

Under An Amethyst Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon