Warning: Read at your own risk.
Kinabukasan ay laman pa rin ng isip ko ang mga binitawan na salita sa akin ni Yuhence kagabi. Masarap sa pakiramdam kaya hindi mawala-wala ang ngiti ko sa aking labi. Gusto niya talaga ako, at gusto niya din akong ipaglaban. Pero kaya niya ba akong mahalin?
Natigilan ako sa aking naisip. Kung kaya akong gustuhin ni Yuhence, kaya din niya ba akong mahalin? Gusto ko malaman mula sa kanya pero natatakot ako na baka hindi niya ako magawang mahalin.
"Cous," agad akong napatingin nang deretso sa pintuan ng opisina ko dahil sa boses ni Apollo.
Nandito ako ngayon sa clinic at hindi ko naman din inaasahan na pupunta dito si Apollo. Agad akong napangiti dahil sa dala niyang bulaklak at tsokolate. Tumayo ako upang bigyan siya ng yakap at tanggapin ang bulaklak niya.
"Thank you, cous. Nag-abala ka pa," nakangiti kong sabi.
Pumaroon kaming dalawa sa sofa upang maupo. Hinarap ko si Apollo na kasalukuyan na ginagala ang paningin sa kabuuan ng opisina ko.
"Wow? Your office is nice. Simple," nakangiti niyang sabi at tinignan na ako. "How are you, cous?"
"Ayos lang ako, Apollo. Bakit ka naparito? Akala ko ba busy ka sa kompanya mo?" sagot ko sa kanya.
"Namiss lang kita, Amethyst. Gusto ko rin makita ang sarili mong clinic. By the way anong plano mo sa christmas eve?"
Napaisip ako sa tanong ni Apollo. Wala pa akong plano, pero siguro ay uuwi ako sa Greece para makasama ang pamilya ko, para dito ako magbagong taon sa pilipinas kasama si Apollo.
"Uuwi ako ng Greece para makasama sila mommy and daddy, para sa bagong taon ay dito ako para makasama ka," nakangiti kong sagot at ngumiti din sa akin si Apollo.
"Sounds like a plan. Okay, I have to go now. Dinaanan lang talaga kita dito para makita ka," ani niya at tumayo.
"What if sa akin ka magdinner?"
"Sounds good, Amethyst, but I have date tonight," sagot ni Apollo sabay kindat sa akin. Tinignan ko siya nang nanunuksong tingin para matawa si Apollo sa akin. "What's that look?"
"You really like her, cous?"
"I love her."
"Congratulations, cous. I'm so happy for you."
"Thank you, Amy."
"Take care," pahabol ko pa at ngumiti muna siya bago lumabas ng opisina ko.
Tinignan ko ang bulaklak na hawak ko at ngumiti. Ngunit hindi pa nga ako nakakabalik sa lamesa ko na muling magbukas ang pintuan.
"Yuhence?" ani ko.
Nakatingin lang siya sa akin nang deretso at sinarado ang pintuan ng opisina ko. Nagbaba ako ng tingin sa hawak niyang hindi ko alam kung ano iyon pero siguro ay lunch box? Kalaking lunch box naman 'yan.
"Hey, love," tawag niya sa akin upang mag-init ang pisngi ko. "Have you eaten?"
"Not yet," sagot ko at lumapit siya sa akin sabay ngiti.
"Good. Because I brought food for you," taas niya sa paper bag.
"Wala ka bang trabaho?"
"It's okay. Pupunta rin naman ako sadyang dinalhan lang kita ng makakain," paliwanag niya upang mapatango ako. "So?"
"What so?"

BINABASA MO ANG
Under An Amethyst Sky
Romance"I love purple... Because my name is Amethyst." (I've brought back Yuhence and Amethyst's story and am still editing some parts of this chapter. Actually, I've finished this story already, but I'm just making some slight changes, so wait for the ne...