16

232 16 1
                                    

"Hey, Amethyst?"

Tinutok ko ng maayos ang aking cellphone sa tenga ko. Nandito ako sa aking clinic pero hindi ko naman inaasahan ang pagtawag ngayon ni Doc Leander sa akin.

"Yes, Doc Leander?" sagot ko habang may pinipirmahan.

"Pwede ka ba ngayon dito sa hospital?"

"Yeah, I'm free. Why?"

"Maraming nadisgrasya dito dahil sa pagsabog sa isang mall. Pwede ka ba? Kulang kami dahil yung ibang doctor ay wala dahil sa medical mission."

Agad akong napatayo dahil sa sinabi ni Doc Leander. Kinuha ko din ang shoulder bag ko pati ang susi para magmadali.

"I'm coming!"

Dali-dali akong lumabas ng aking clinic. Hindi ko na din nagawang pansinin pa ang dalawang nurse ko dahil sa pagmamadali ko. Ngunit ayon na lang ang pagkabunggo ko sa tao na hindi ko sinasadya kaya nahulog ko ang susi ko.

"I-I'm sorry," sabi ko at kinuha ang susi ng kotse ko.

Lalagpasan ko na sana ang taong nakabunggo ko ngunit mabilis niyang hinawakan ang braso ko. Mabilis ko naman din siyang tinignan kaya nanlaki ang mga mata.

"Where are you going?" seryoso niyang tanong sa akin.

"Sorry, Yuhence. But please not now? I need to go," sabi ko at binawi ang braso kong hawak-hawak niya.

Agad na akong sumakay sa kotse ko at pinatakbo ang sasakyan papalayo. Tinignan ko pa sa side mirror si Yuhence at nakatayo pa din siya doon. Bumuga ako ng hangin dahil sa pinakita kong ugali sa kanya. Sadyang nagmamadali lang ako kaya ganon na lang ako kanina.

Maya-maya pa ay nakarating na ako sa hospital kaya mabilis akong bumaba ng sasakyan. Mabuti na lang at suot ko ang white coat ko kaya pinapasok agad ako ng guard. Sa hall way pa lang ay masyado ngang madaming tao ang nasama sa aksidente na puro duguan at sugatan. Nakaramdam tuloy ako ng awa dahil sa mga itsura nila.

"There you are!" sabi ni Doc Leander na hinihingal pa ng makalapit sa akin.

"Sobrang dami ng mga sugatan, Doc Leander."

"Yeah, I know. Kaya kukulangin talaga."

"Kailangan ko ng mga gamit, magpadala ka ng isang nurse para sa akin," sabi ko at sinimulan ng lumapit sa tao na malala ang sugat.

Inuna ko ang isang bata na grabe din tinamo pero parang kinakaya niya. Lumapit ako sa kanya at tinignan niya ako habang naiyak.

"M-Mommy?" ani niya.

"I'm not your mommy, baby. But I'm your doctor. Gagamutin kita ah? Kaya tiisin mo ang sakit, okay?"

"Otay," bulol niyang sagot kaya napangiti ako.

Inasikaso ko ang bata at ginamot ang kanyang sugat. Kita ang sakit dahil sa kanyang mukha kaya dinahan-dahan kong tahiin ang kanyang braso na grabe ang hiwa. Nilagyan ko naman ng anesthesia pero parang may iba pa siyang iniindang sakit. Bago ko tahiin ay tinanggal ko muna ang natitirang bubog na nakabaon sa gilid ng braso niya.

"Stay here, okay? Babalikan kita," ani ko sa kanya ng matapos ko siyang gamutin.

"I'll wait, mommy," sabi niya at nginitian ko siya.

Yung iba naman ang ginamot ko habang kasama ang isang nurse na pinatawag para sa akin ni Doc Leander. May nagsisidatingan na ibang mga doctor kaya laking pasalamat ko na maraming kaming nag-aasikaso sa mga pasyente na nandito ngayon. Pero ayon na lang ang paglingon ko sa gilid dahil sa malakas na sigaw ni Doc Leander.

Under An Amethyst Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon