Nakarating ako sa bahay ko na mabigat ang nararamdaman. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon dahil sa mga nangyari. Una, hindi ko alam kung bakit ganon na lang ako kung sumagot? Pangalawa, hindi ko ugaling tawagin ang isang tao sa ganong salita. Bakit ganon? Dahil ba sa galit na nararamdaman ko?
'Babalik ka diba?'
Parang binulong muli sa akin ni Yuhence ang sinabi kanina bago ako tumungo sa banyo. Ganon na lang kabilis ang pagsabunot ko sa buhok ko dahil sa ginawa kong pag-iwan kay Yuhence, ngunit ganon na lang ulit kabilis mapalitan ng inis ang nararamdaman ko dahil sa sinabi ng babae kanina.
"Totoo kaya ang sinabi niya?" Mahinang anas ko. "Ano naman ang pakialam ko kung nag-sex na sila?"
Muli kong naisip si Yuhence. Ako naman din ang nagsabi na iiwasan ko na siya dahil sa babaeng nakasagutan ko kanina. Sasabihin niya na hindi siya babaero pero nakakadiri naman yung nalaman ko.
Baka naman bukod pa sa inis ang nararamdaman ko dahil may gusto na ko kay Yuhence?
"Hala?"
Natigilan ako dahil sa mga naiisip ako. Tuluyan akong napahiga sa mahabang sofa at nagpapadyak-padyak.
"It cannot be! D-Do I like him?" Turo ko pa sa sarili ko nang sabihin ko iyon. "No. No, no, no, no! I don't like him, so no!"
Bigla akong nagulat at napalingon na lang bigla sa pintuan dahil sa malakas na katok. Sino yon? Wala naman akong inaasahang bisita sa ganitong oras.
"Baka si Apollo," nakangiting sabi ko at sabay tumayo upang tumungo sa pintuan.
Nang mabuksan ko na ang pintuan iyon na lang ang paglaki ng mata ko. Ganon na lang din kabilis napalitan nang malakas na tibok ang puso ko. Kinakabahan ako. Oo, kinakabahan ako. Dahil salubong ang kilay ni Yuhence habang nakatingin sa akin.
"I am so worried about you. Akala ko may nangyari na sa 'yo kaya hindi kita makita," malumanay niya ng sabi at umabante ng hakbang papasok kaya napaatras ako. Tinulak niya ang pintuan para maisara iyon ng tuluyan.
"Ano... Akala mo lang naman 'yon p-pero hindi," nauutal na sabi ko at tinignan na naman niya akong ng seryoso.
"Why did you leave?"
"A-Ano... K-Kasi—"
"Because of my manager?" Pagpuputol niya sa sasabihin ako. "Hindi ko siya ibabalik sa kanyang trabaho kung hindi mo sasabihin sa akin."
"What? Don't tell me you fired her?" Gulat na tanong ko.
"Yes. Is there a problem with what I did?"
"Not at all, pero dapat hindi mo ginawa iyon dahil wala naman siyang ginagawang masama. Ako lang ang kusang umalis at iniwan ka."
I lied. Nakita kong nagtiim ang bagang ni Yuhence upang mapalunok ako habang nakatingin sa akin, pero nag-iwas agad siya ng tingin at napapikit. Ginawa niya iyon habang nakapamewang at hinahaplos pa nang bahagya ang noo, parang nagpipigil ng inis. Galit ba siya sa sinagot ko? Baka alam niyang hindi totoo ang binigay kong sagot?
"Stop lying. I know everything that's why I fired her."
I'm doomed!
"That's why you left? Don't worry, someone told me everything that's why I fired my manager."
Napayuko ako. "Ano... Sorry."
Tuluyang lumapit sa akin si Yuhence at hinawakan ang baba ko upang iangat iyon para mapatingin sa kanya. Napalitan ng emosyon ang kanyang mga mata, pero may halong pagtataka ang damdamin ko. Bakit niya ito ginagawa sa akin?
BINABASA MO ANG
Under An Amethyst Sky
Romance"I love purple... Because my name is Amethyst." (I've brought back Yuhence and Amethyst's story and am still editing some parts of this chapter. Actually, I've finished this story already, but I'm just making some slight changes, so wait for the ne...