08

250 19 2
                                        

Dumating ang araw ng sabado ay tinulungan ako ni Apollo kung ano ang susuotin ko. Hindi naman daw iyon pabonggahan kaya cocktail dress ang susuotin ko. Si Apollo rin ang nag-asikaso ng susuotin ko habang ako naman ay inaayusan ng baklang tinawagan ni Apollo para ayusan ako. Sinabi ko rin sa kanya na ayoko ng masyadong makapal ang makeup dahil gusto ko simple lang. Nabili ko na rin ang regalo para kay Yuhence, hindi na nga ako makapaghintay na hindi iyon maibigay sa kanya.

Simple lang naman iyon, hindi ko nga alam kung magugustuhan niya ba ang ibibigay ko.

"Oh, pak! Ang prilalu mo na, bebe!" nakangiting sabi ni LJ. Iyon ang pangalan niya.

"A-Ano 'yong prilalu?" Inosenteng tanong ko.

"Maganda ka na kako," ani niya. "Ikaw raw ang date ng boyfriend mo sabi sa akin ng pinsan mo. Ay sis! Pak na pak ang iyong face dahil kanin na ulam pa! Biruin mo? Isang ulam na Yuhence Won De Vera ay boyfriend mo pala?"

Naguluhan ako. "K-Kailan pa naging kanin at ulam si Yuhence?"

"Hahahahaha! Hindi mo makeri ang joke ko, ma'am."

"J-Joke ba iyon?"

Parang hindi naman iyon biro. Kailan ba naging kanin at ulam si Yuhence? Tao siya at magnanakaw pa.

"Wala ka sigurong alam sa mga ganong joke 'no? Ay nako! Hindi pa hinog ang iyong mind." Dagdag na sabi pa niya.

Napanguso ako. Ganyan na ganyan ang sinasabi ni Apollo at ni Daddy sa akin. Sila ang magulo. Kailan ba nagiging hinog ang utak, ha? Walang ganon sa science. Pero hindi ko naman maitatanggi na sa mga ibang bagay ay hindi ko pa alam at hindi ko pa nasusubukan. Hindi sa sinasabi kong hindi ko alam kung paano gawin, wala lang talaga akong karanasan. Siguro kaya laging sinasabi nila Apollo at ni Daddy na sadyang inosente lang ako.

"Okay na iyong innocent face. Aayusin ko na ang buhok mo para maisuot mo na ang iyong dress," dagdag pa ni LJ.

Hindi ako sumagot dahil hinayaan ko na lang siyang ayusin ang aking buhok. Kinulot niya muna ang buhok ko bago ipusod na banda lang sa aking batok. Kinulot niya din ang hibla ng buhok ko sa gilid ng tenga at iniwan lang iyon na nakalantad. Nilagyan niya din ng hairclip ang aking buhok na ang disensyo ay perlas na may bulaklak na paderetso at nakapatong doon ang perlas.

"Ayan, okay na," ani ulit ni LJ ng matapos niya akong ayusan ng buhok. "Pwede mo ng suotin ang dress mo at paglabas mo wala na ako rito."

"Hala? Saan ka pupunta?"

"Ay? Ayaw mo akong paalisin? Gusto mo akong tumira ditey? Kalerski ka! Walang tao sa aking palasyo kaya uuna na ako. Don't worry my sis bayad na ako," anas niya sabay kindat.

Binigay sa akin ni LJ ang susuotin ko kaya pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis. Ang ganda ng cocktail dress. Nasabi rin sa akin ni Apollo na isa daw itong navy blue off shoulder two piece cocktail dress. Two piece ay nahahati sa gitna na bandang tiyan upang makita ang balat ko doon. Kaso nga lang nakikita ang dibdib ko at maluwag, hindi ko alam kung sadya ba yon.

"Dress ba 'to?" Hindi makapaniwalang anas ko habang tinitignan ko ang aking sarili sa aking salamin. "Kita dibdib ko pero hindi naman as in kita lahat. Parang kita lang yung guhit at laman ng kaunti?"

Ano ba itong pinapasuot ni Apollo sa akin? Daig pa niya babae kung pumili ng ganitong dress. Nilagyan ko ng necklace ang aking leeg para may disenyo iyon at magandang tignan, sunod naman ay hikaw tapos bracelet. Ganon na lang din kabilis ang pagtibok ng puso ko sa sunod-sunod na pag doorbell mula sa labas ng bahay ko. Tinignan ko ang orasan sa ding-ding at alas-sais na ng gabi at malapit na mag alas-siyete.

Under An Amethyst Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon